05: Missing

60 2 0
                                    


Track o5

"What's up?" Chi asked curiously at sinundan ang tingin ko kaya bigla kong ibinaling ang atensyon ko sa kanilang dalawa ni Bien.

"Wala." I shook my head and smiled at her trying to hide the shock. Pinilit kong hindi ibalik ang paningin sa may counter but I still see his every movement through my peripheral vision.

I noticed that some people were also looking towards his direction at kasabay nun ang mahinang bulungan. I know these people recognized him but they were just staring. Lalong nakuha ang atensyon ng mga tao sa loob nang tatlo pang lalaki ang maingay na pumasok.

A tall guy wearing a black shirt with a white snapback cap first came in. He was grinning from ear to ear na tila ba may sinabing joke ang taong halos kasunod niyang pumasok.

Ran stopped from his feet at nilingon ang drummer at bahista nila bago sumunod kay Mikkos sa counter. The whole Carbon Stereoxide is here.

Biglang nanlamig yung kamay ko and my whole being is panicking.

Ang liit naman talaga ng mundo at sa dinami-rami ng kainan around the area, dito pa talaga?

Considering na tago ang pwesto na 'to at iilan lang ang pumupunta. Hindi dahil hindi masarap yung pagkain nila ha, because I'm telling you the best yung monster burger nila! Hindi lang talaga masyadong pansinin ito sa labas.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. I felt giddy and nervous at the same time. My heart is beating so fast the same way it did that night at the concert. Nasobrahan yata ako sa kape.

I find myself so weird I'm not even sure what's happening to me.

Kalma Eimee. Ang OA mo naman.Carbon Stereoxide lang naman yan. Bakit kinakabahan ka diyan?

I tried my best to act normal but there is really this some kind of force na pilit pinapa-awkward yung lugar. Hindi ko mapinpoint kung ano. Yikes! Ano na ba 'tong nangyayari sakin?!

Tiningnan ko yung dalawang kasama ko sa mesa pero parang wala lang naman sa kanila.

Nag-focus na lang ako sa kinakain ko at nakinig sa usapan nung dalawa----na sa kasawiang palad ay tungkol sa nasabing banda.

"Hahaha oo 'no. Ang pogi kaya nila lahat. Walang tapon." Bien stated na halos mapunit na yung bibig niya sa sobrang lawak ng ngiti.

Well, I have to agree. May mga hitsura naman talaga sila lahat--oo na pati si Mikkos--at no wonder kung bakit agaw-pansin sila dito. At oo nga pala, factor din na sikat nga pala sila. Hindi ko lang alam kung alam o napansin ba nitong dalawa na nandito yung mga taong pinag-uusapan nila.

"Pogi rock nga raw eh pero in all fairness naman, okay rin tugtugan nila. All Time Low ang bagsakan." Chi added and commented. Bigla naman siyang tumingin sa akin at ngumiti na parang may hidden joke siya.

"Bakit?" I asked, a bit lost.

"Wala naman." umiling lang siya pero nakangiti pa rin ng nakakaloko. Ano naman daw kaya 'yon? Chi and her inside jokes.

Ibinalik ko ang tingin ko sa pagkain ko when I suddenly felt the chair behind me moved. Napalingon ako saglit at para akong binuhusan ng malamig na tubig nung nakita ko kung sino yung umupo sa upuan sa likod ko.

I whipped my head around fast at nanlalaki ang matang tumingin ako kina Bien. We all have the same faces. We grew silent for a minute at parang sa tinginan lang namin nagkaintindihan na kami.

Narinig kaya nila na pinag-uusapan namin sila? I hope not. At ang daming upuan at mesa bakit sa tabi pa namin?!

Halos hindi na ako makahinga sa pwesto ko. Ewan ko, wala namang nagbabawal pero pakiramdam ko pag huminga ako mararamdaman nila kami. Alam mo 'yun?

EMILYWhere stories live. Discover now