06: Friends

61 2 0
                                    

Track 06

Sa huling pagkakaalam ko, we're nowhere near being friends. Or baka naman all along, mali pala ang depinisyon ko sa salitang kaibigan.

Because as far as I know, you don't treat your friends like that. Hindi ko alam kung anong problema sa buhay nitong si Mikkos. Hindi ko siya maintindihan!

Noong unang beses kaming magtagpo ng landas sa Threads, sinungitan niya ako. Nung Yellow Light Fest kung saan kumanta ako kasama sila, sobrang bait naman niya. He was like a whole different person onstage. Pero nung mismong gabi ring yun, sa dressing room, inakusahan niya akong obsessed fan and stalker!

But then he was kind of nice to help me nung nasamid ako kahapon dito sa Drop B's. Hindi man niya siguro inexpect na ako yun, he still offered help nonetheless. Patunay na may puso pa rin naman siya kahit paano.

Tapos balik sa masungit treatment at ngayon, kaibigan ko na siya? Uh, that escalated quickly.

Mukha pa rin siguro akong nawiwindamg sa pangyayari kaya nag-offer si Ate Bayley sa akin ng drinks. Hindi na rin ako tumanggi kahit medyo nahihiya ako dahil kailangan ko talaga ng pampakalma.

Good thing, they served my usual order. Black Espresso. Advantage siguro na regular customer ka.

Nasabi ko na ba na this isn't your regular burger-fries-cold drinks-food joint? No? Okay. They serve iced mochas, frappuccinos, hot coffees and other coffee-flavored drinks. May mga fruit juices din naman silang available pero yung mga kape talaga nila yung the best.

The espresso helped me to calm. Epekto sa akin ng kape. Oo, weird kasi nga most of the time ito rin yung dahilan siguro kung bakit ako laging parang kabado.

Pero nakatulong din siguro yung ambiance nung lugar. Puro wooden furnitures kasi 'to. Alam mo yung parang old school na Spanish era yung set up na may touch of modernity. Medyo vintage-looking din yung mga frames sa wall. Aakalain mo nga nasa Vigan ka or sa Taal eh. Ganun yung vibes sa loob.

Isa pang nagustuhan ko talaga eh yung choice of music nila. Pramis, heaven yung soundtrip nila dito para sa akin, sa amin nina Bien actually.

Madalas nilang pinapatugtog ang mga kanta ng Riots Are Fun! saka ng iba pang mga paborito naming banda na hindi mo masyadong naririnig sa mainstream dito sa Pinas. They play alternative, pop rock, punk, post hardcore, metal, name it either OPM or foreign. Sorry na, we're sucker for rock bands.

Parang ngayon, Urbandub's A Call To Arms is playing. Yaaaay relaaaaaxing indeed.

Kaya feel at home kaming tatlo rito. Masarap na yung pagkain, swak pa yung soundtrip nila. Siguro rakers sina Ate Bayley saka yung business partner niya. I smiled at the silly thought.

Going back to the real deal though, how am I supposed to get back my necklace? We're not even friends to begin with. And I don't know how to get in touch with him. Kahit naman na regular din sila dito, hindi naman ibig sabihin nun agad na may contact yung staff. Saka naku, hindi ganun kakapal ang mukha ko para itext siya, or kahit sino sa kanila.

How then? Twitter? Okay lang pero dapat yung mga ganung bagay, direct message eh. Hindi ko naman sila pina-follow, at lalong hindi rin naman nila ako pina-follow. IG? Baka puro dm's ng fans nila dun. Matatabuban yung sakin pag nagkataon. FB? Hmmm pwede sa page nila. Pero paano ko malalaman na si Mikkos yun? Baka mamaya may moderator talaga sila dun, mapagkamalan pa akong fangirl at bigla akong i-block. Sa personal na lang kaya? Punta ako sa gig nila? Uh, no. Parang di ko kaya.

Aaaaaaagh! Jusko nakaka-praning 'tong existence ni Mikkos sa mundo.

I heaved out a long sigh. Kung paiiralin ko naman ang pride ko, ako lang din ang talo. Kung di lang talaga mahalaga yung kwintas na yun. Hayyy. Bahala na!

EMILYWhere stories live. Discover now