08: Your Universe

125 3 1
                                    




Track 08: Your Universe

"Eimeeeeeee! Oh my gosh! I still can't believe it! Pano mo sila nakuha? Paano?" Joanne was shrieking while jumping up and down. Kanina pa siyang hindi mapakali sa backstage. Simula noong dumating ang Carbon Stereoxide dito sa school at dumaan sa harap niya ang members nito.

Medyo sumasakit na nga yung tenga ko kakairit at kakasigaw niya sa sobrang kilig.

"Kalma lang." Natatawang hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para pakalmahin siya. Or more like para pakalmahin din ang sarili ko. Natataranta ako eh. Hindi ko rin alam kung bakit. All I know is I could feel a tight notch in my stomach right now.

"I kennot oh my gosh!" Umakto pa siyang pinapaypayan ang sarili. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Kung may energy level bar lang siguro sa itaas ng ulo nya, it's probably at 101%. Nakakahawa. She was so ecstatic.

And then I remembered, solid fan nga pala siya ng Carbon Stereoxide. Paanong nawala sa isip ko yon eh siya yung dahilan kung bakit ako nagka-last song syndrome sa Kickstart My Heart? I owe it to her!

Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya noong Yellow Light Fest. I had the same reaction when I saw Riots are Fun! I was that stoked too when I met them in person. Minus the shrieking nga lang.

"Salamat talaga. I love you to the moon and back." Sa sobrang saya niya, hindi niya na napigilan at niyakap niya ako ng mahigpit. Natatawang yumakap din ako pabalik.

"No. I should be the one thanking you." Sabi ko habang nakayakap sa kanya. Bigla naman siyang kumalas sa pagkakayakap at tinignan ako na parang nawiwirduhan sa akin.

I just smiled back at her and then we both looked at that small stairs connected to the stage when we heard that familiar drum beats. Our eyes widened in recognition.

"Kickstart ~my~heart~" we sing-sung at the same time, half exclaiming and then she ran towards the sidestage where some of our classmates already were.

Naiwan naman akong nakatayo sa pwesto ko. I look at my hands. They are both trembling. Ni hindi ko alam kung bakit! I shook them para maaalis yung tense na nararamdaman ko. Kanina pa kong nanlalamig bago mag-start ang event.

Noong una naiintindihan ko pa eh. I was nervous dahil baka konti lang yung manood, na baka hindi enough yung ginawa namin to promote the event. Na baka hindi sumipot yung guest namin. Pre-production anxiety kumbaga.

But now that everything is already set, with this huge crowd we have right now tapos yun nga dumating sila, hindi ko alam kung bakit ganun pa rin yung pakiramdam ko. Mid-prod anxiety, ganun?

I decided to go out of the backstage area baka sakaling mawala 'to. Unti-unting lumalakas ang ingay na nag-mumula sa crowd as I slowly made my way out.

I slowly opened the door seperating the backstage and the audience area. Goose bumps went all over me when I heard how they scream and cheer for the people at the stage habang nag-sa-sound check ang mga ito.

Napatakip ako sa bibig ko to hide how awed I was. Literal na napanganga ako. Hindi ko in-enexpect na ganito kadami ang taong nanonood ngayon. Hindi mahulugang-karayom! I'm seeing sea of people. Parang gusto kong maiyak. Ganito ba yung feeling ng mga concert producers kapag napupuno nila ang mga venues?

Nagsimula akong maglakad papunta sa audience para manood. I instantly felt comfort as I squeezed myself through the people. I don't know, I always like the feeling when I'm in the middle of a big crowd. Parang yun yung comfy place ko where you can see bigger hindi kagaya pag nasa side ka ng stage na parang caged ka lang sa isang angle.

EMILYWhere stories live. Discover now