09: Gilid

54 3 3
                                    




Track 09: Gilid

Nanaginip ba ako? Siya ba talaga yung kasama ko?

I can't help but thought because we're never okay and the last time we had an encounter, suplado pa rin siya. Ibang-iba sa Mikkos na kasama ko ngayon.

He actually greeted back everyone else na bumati sa kanya habang papunta kami sa parking lot. He even accommodated them for photo op and signing when they asked him for an autograph!

Hindi naman sa sinasabi kong snob siya pero with the way he acted towards me, parang wala sa mukha niya na ganun siya ka-approachable.

But then again, maybe I really should give him the benefit of the doubt. At saka nga di ba, kelangan mong maging mabait sa kanya? My mind reminded me.

He looked like he's in a good mood, really. May kinalaman kaya dun yung kausap niya sa phone kanina bago ako dumating? Napailing ako. Ang tsismosa ko talaga kung minsan.

I sighed as I followed him, keeping a good distance. Nanatili akong nakatingin sa likod niya habang naglalakad kami. Minsan may mga pagkakataon na parang hinihintay nya ako dahil humihinto siya sa paglalakad saglit o kaya naman nag-i-slow down siya. Or maybe imagination ko lang talaga yun.

In a few minutes, nakarating din kami sa parking lot. Marami pa ring sasakyan ang nandun considering halos mag-a-alas onse na ng gabi. Si Ran ang unang sumalubong sa amin na nakasandal sa harap ng isang puting van at nakahalukipkip.

"Finally! Akala ko natabunan na kayo dun." He said, grinning widely while walking towards us. I smiled back at him.

"Oo nga. Medyo natagalan tayo ah. Mga ninja moves mo pre." Pang-aasar ni Gewald kay Mikkos habang tinatapik ito sa balikat. Mikkos just shoved Gewald's hands away habang naiiling.

"I honestly thought you had your own date already." Singit naman ni Mam Sohee with a teasing smile.

"Nye. Naku hindi po. Ang dami lang po talagang fans nitong vocalist nyo." I half-joked, patay-malisya sa pang-aasar ng road manager nila. She just shrugged pero nakangiti pa rin ng nakakaloko.

Pero totoo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming huminto at hinarang sa daan. Doon ko na-realize kung gaano siya kasikat. The good thing though, hindi naman magulo yung mga nagpapa-picture sa kanya.

"So, tara let's?" Masiglang yaya ni Mam Sohee na pinalakpak pa ang mga kamay bago binuksan ang pinto sa tabi ng driver ng van nila.

"Uhmm, Mikkos wait."

Palapit na rin ako sa van na gagamitin ng klase namin nang mapatingin pa ulit ako kay Mam Sohee nang tawagin niya si Mikkos. I know it wasn't me that she called pero ewan ko ba, di ko maiwasang mapalingon.

She turned to Mikkos and gave him an apologetic smile before she spoke again.

"As I'm gonna take your seat, wala ng space sa van. Sorry, may importante kasi kaming pag-uusapan ni Kuya Don." She said referring to their driver.

Medyo naguluhan pa ako ng konti pero bigla kong naalala na si Mikkos nga pala ang nakaupo doon sa harap nung sinalubong namin sila kanina.

"But no worries, you can bring my car." Dagdag niya.

Bahagyang tumingin ako kay Mikkos. Medyo napahawak siya sa batok niya but he nodded and smiled. She gave him her car keys at nagbilin na sundan na lang yung van nila.

Pasakay na rin sana ako sa sasakyan namin when I stopped from my tracks.

Aba teka! Pagtingin ko, my classmates were all seated already. Yung iba mga tulog na, yung iba ready to go na. Si Joanne yung nasa pinakabungad na nakangiti sa akin ng alangan. Mga sitting pretty...pero wala ng space!

EMILYWhere stories live. Discover now