EMILY

245 2 0
                                    

E M I L Y

(c) Phepsy | All rights reserved.

**

"It started one awesomely and amazingly crazy night and then it changed our lives forever."

**

Prelude

Sabi nila, do whatever makes you happy. Kasi daw, yolo. Ang kaso yung mga kaibigan ko, masyado naman yung sineryoso, madalas tuloy kaming mauwi sa mga eksenang tulad nito.

"Sigurado ba kayo sa gagawin natin?" I started to chew the straw of my milkshake. I don't know, maybe a habit when I'm anxious. To the point where I can't drink out of it anymore.

Kinakabahan ako ng sobra-sobra. We're not even starting it yet pero parang gusto ko nang magbackout bigla-bigla. This feeling is killing me. Bakit ganon?

"Eimee---" Chi stopped walking and looked straight into my eyes while her hands are both on my shoulders. "For the nth time, yes. No backing out please. You agreed, you do it.

I pouted. Bigla namang kumunot ang noo niya at mukhang nagsisimula na siyang mainis sa akin habang minamasahe ang sentido niya.

To my defense, masisisi niya ba kung ganito yung nararamdaman ko? I'm nervous and worried. Yung sitwasyon ko parang a matter of life and death eh. Yung tipong I'll be damned if I do (kapag nahuli kami) damned if I don't.

Yung puso ko tuloy parang bombang sasabog as time passes by. I sighed in defeat at ayoko namang mapikon sa akin 'tong si Chi. "Basta walang iwanan ha?"

"O'naman friend no." Singit ni Bien na nasa tabi ko lang. "Tatlo nga lang tayo tapos mag-iiwanan pa ba?" Hinampas niya ng mahina yung braso ko at saka tumawa.

Sabagay, may point siya dun pero kasi. "Paano pag nahuli tayo?" I asked again.

"Nah, we won't." Kampanteng sagot ni Chi saka nagpatuloy sa paglalakad ulit.

Bakit siya relax na relax lang? Di man lang ba siya nakakaramdan ng kahit konting kaba sa katawan? Bakit ako kulang na lang maihi dito? Andaya!

"Siguraduhin niyo lang na walang magiging aberya ha. Kapag ito kumalat at nakarating sa nanay ko, lagot ako." I followed them.

"Eh di pag meron kanya-kanyang takbo na lang." Bien said laughing.

My mouth gaped open as I stopped from walking. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kanya-kanya kapag nagkagipitan na. Akala ko ba walang iwanan?

They must have noticed na hindi na nila ako kasunod kaya sabay silang tumigil at lumingon sa akin.

"Joke lang! Saka ano ka ba, marami namang tao dito sa mall kaya hindi nila tayo makikita kaagad kapag nagkabistuhan na." Bien glared at me and held my wrist to drag me with them.

"Game on. Threads tayo."Chi said smirking as she read something on her phone.

Gulay! Ito na ba yun? Itong-ito na ba? Teka laaaaaaaaang. Taympers muna.

**

I could feel my heart beating erratically as I stood in front of Threads, a local clothing store.

Huy puso, kalma lang! I scolded my heart like a totally living creature. I walked back and forth outside the store to ease my nervousness mixed with a little bit of excitement, pretending to be a normal passer-by. Kahit mukha naman akong ewan kasi kanina pa akong pabalik-balik dito.

I sighed again. Ano ba kasing naisip ko at napasok ako sa ganito? Hindi naman ganito ang buhay ko three months ago. Isang simpleng mag-aaral lang ako ng Southridge University. But here I am now, gumagawa ng mga bagay na hindi naman ginagawa ng isang matinong 18-year old.

EMILYWhere stories live. Discover now