Prologue

10.4K 310 18
                                    


Tick! Tick! Tick!

The sound of the keyboard echoed in the library. Wala kang ibang madidinig bukod sa tunog ng mabilis na pagpindot ni Ara sa keyboard sa harap niya.

Tick! Tick!

The sound finally stopped and Ara let out a breath.

"Natapos din."sabi ni Ara sa kanyang sarili bago niya i-setup ang printer upang i-print ang kanyang report. Habang naghihintay ay nilinga ni Ara ang kanyang mga mata. Nakita niyang wala nang tao sa loob ng library bukod sa kanya. She checked the clock and she cursed. 8:45 pm

"Kalma Ara. Kalma."sabi ni Ara sa sarili niya habang hinihintay matapos ang pagprint ng kanyang report. Pagkatapos na pagkatapos nito ay agad niyang pinatay ang computer at lumabas ng silid-aklatan. She checked her wristwatch and it read 8:55. Her eyes grew wide. She's not going to make it.

She walked faster. Malayo pa siya sa labasan ng sumampa ng alas nuebe ang orasan.

Click!

Napatigil siya sa paglalakad ng mayroon siyang madinig na ingay sa napakatahimik na pasilyo. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niyang nakapatay ang ilaw sa dulo ng pasilyo. Pinagpawisan siya ng malamig habang nakatitig sa madilim na parte ng pasilyong kinatatayuan niya.

Click!

The next light turned off and she stepped back. Before anything else could happen, she started running.

Click! Click! Click!

Dinig niya ang sunod sunod na pagsara ng ilaw at mas binilisan niya ang pagtakbo.

Tack! Tack! Tack!

She heard footsteps behind her. Gusto niyang maiyak sa takot. How can she be so stupid? Napakatanga niya upang hindi mapansin ang oras. She should have known that he will never let her go.

She kept running faster. Malapit na siya sa labasan ng abutan siya ng dilim. Napatigil siya sa pagtakbo. The air around her is cold. Mabilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay niya kung anong susunod na mangyayari. Her legs are shaking and she was frozen in fear. She could hear voices around her but she cant understand them. The shadows surrounded her and she cowered in fear.

Tumayo ang balahibo niya ng mayroon siyang maramdaman sa kanyang likuran. Ramdam niya ang hininga ng nilalang sa kanyang batok. She heard someone chuckle and her blood run cold. Malamig at malalim ang boses nito.

"You're...."nadinig niya ang malalim nitong boses sa gilid ng kanyang tenga bago niya maramdaman ang paggapang ng mga kamay papunta sa kanyang bewang. She could feel herself shaking in fear and tears falling from her eyes.

"Mi~~"nadinig niya muli ang malamig nitong boses bago maputol ang sasabihin nito ng biglang may tumapat sa kanyang liwanag. She immediately felt the hands on her waist disappear together with who ever is behind her a while ago.

"Ma'am! Ma'am! Ayos lang po ba kayo?"inangat niya ang kanyang nanginginig na kamay sa kanyang mata upang harangan ang kanyang mata sa nakasisilaw na liwanag. Sa dulo ng pasilyo ay nakita niya ang gwardya na may hawak na flashlight.

"Bigla po kasi nagbrown out eh. Eh naalala ko may tao pa sa loob kaya pupuntahan ko sana kayo. Ayos lang po ba kayo ma'am?"sabi pa nito.

"A-Ayos lang po ako."nauutal na sabi ni Ara. She stood up with shaky legs as she walk towards the guard. Nang makarating siya sa labas ay pinakawalan niya ang hiningang pigil niya. If the guard was a second late, it would have been too late for her.

"S-Salamat po.."paalam niya sa guard bago siya naglakad papunta sa bus na bagong tigil sa harap ng gate. Pagkaupo na pagkaupo niya sa bus ay napatingin siya sa madilim na silid-aklatan. Nagumpisa nang umandar ang bus nang d sinasadyang nahagip ng kanyang mata ang isang pigura sa loob ng madilim na silid-aklatan. On the window she saw a silhouette of a man. Nanigas siya sa kanyang kinauupuan. The boy's body seems to merge with the darkness that surrounds him. Pero hindi ito ang pumukaw sa atensyon niya. Ang umagaw sa atensyon niya ay ang malalamig nitong mga mata na nakatitig sa kanya.

Isang pares ng mga matang kulay ginto...

--------------------------------------------------------------

Bukas ng tanghali ang Chapter 1 guys :)

VOTE|COMMENT|FOLLOW




Escaping DarknessWhere stories live. Discover now