Episode 1 - SOUL

168 2 0
                                    

Naira

Episode 1 - Soul

I closed my eyes tightly. I don't care kung nagmumukha na akong tanga sa gitna ng campus. Mas ikinuyom ko pa ang mga kamao ko.

I want to runaway. I want to hide from everyone. I just want to disappear from this cruel world... from my world.

Muli kong idinilat ang mga mata ko at tumingin sa langit.

Hanggang kailan ba ako magdudusa?

Hanggang kailan ko ba makikita yung mga bagay na ... na...

"EXCUSE ME MISS!" isang malakas na sigaw ang narinig ko at bago pa ko makareact ay naramdaman ko na lang ang marahas kong pagbagsak sa lupa.

"Ouch!" daing ko at sinimulang hilutin ang nasaktang balakang ko.

"Sorry Miss! Sorry talaga!" wika ng lalaking nakabangga sa akin.

Tiningnan ko ang mukha niya at parang awtomatikong dumako ang tingin ko sa mga mata niya.

May isang lalaking nasa tabi ng ilog. Parang may hinihintay siya. Pero hindi ko alam kung sino.

Lumapit ako sa kanya at nakita kong may hawak siyang mga bulaklak.

Napangiti ako.

Ibubukas ko na sana ang bibig ko para tanungin kung sino ang hinihintay niya at kung para kanino ang hawak niyang mga bulaklak nang bigla na lang siyang bumagsak sa harapan ko.

Napatutop ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa lalaking naliligo na sa sarili niyang dugo.

Luminga ako sa paligid sa pagbabakasaling makita ko kung sino ang may gawa nang krimen na ito. Pero tanging aninong nakatalikod lamang ang nakita ko.

Nagsimulang tumulo ang luha ko habang nakatingin sa walang buhay na lalaki sa harapan ko.

"Miss? Miss? Ok ka lang? May masakit ba sa'yo? Tara! Dadalhin kita sa clinic." Nag-aalalang pagpapabalik sa akin sa totoong mundo ng lalaking nakabangga sa akin.

Tumayo naman ako nang mabilis at tumingin sa lupa.

Marahas kong binawi sa kanya ang mga braso ko at umiling nang sunod sunod.

"Wag na.." tanggi ko at tinalikuran na siya. Bago ako tuluyang makaalis sa lugar na iyon ay binalaan ko siya.

"Mag-iingat ka. Wag kang lalapit sa kahit anong anyong tubig lalong lalo na sa ilog." Saka na ko mabilis na naglakad.

Pumikit ako nang mariin at pinanatili ang mga mata ko sa lupa.

This is my reality.

I can see different things that a normal person cannot see.

I can see the future of a person by just looking at their eyes.

I can see if they're lying or telling the truth.

I can see beyond their reality.

I can see what they think.

I can see their soul.



NAIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon