Conflict 38- The Thing He Never Mention

44.9K 625 32
                                    

(Hillary's POV)

Gumising ako at nag-unat. Paglingon ko sa tabi ko, wala si Adrian. Napaupo ako bigla at hinanap sya, yun pala, nasa katabing couch lang pala sya at dun natutulog. Malaki ang space ng kama, enough para magkasya kaming dalawa but still, pinili nyang matulog nalang sa couch. 

Lumapit ako sakanya at pinagmasdan ang napaka peaceful nyang itsura. Alam kong mukha ni Raven ang nasa harap ko ngayon pero tila si Adrian ang nakikita ko. Umupo ako sa sahig para mas makita ko ang itsura nya. Hinawakan ko ang matangos nyang ilong at malambot na lips. Ang sarap nyang titigan sa totoo lang. Napapangiti lang ako habang pinagmamasdan sya.

Maya-maya pa, nagring bigla ang phone nya. Dahilan para bigla syang dumilat kaharap ang mukha ko. Nagulat sya nang makita ako. Napaupo sya bigla at nahulog sa couch. 

"Adrian! Ok ka lang??" I asked worriedly. 

"Uh... hehehe. Oo.... Ayos lang ako.. hehehe" Nakahawak lang sya sa nauntog nyang ulo.

"Sorry ah. Kasalanan ko kasi. Di ko naman alam na magigising ka bigla ee."

"Ok lang yun. Hahahaha"

Kinuha nya ang phone nya at sinagot ito. 

"Hello ma? O ano na? Susunduin nyo na kami?....... Ok sige...... Sige po...... Bye......"

"Ok na raw ba?" Tanong ko.

"Oo. Nasa labas na raw sila. Hinihintay na nila tayo."

"Ganun ba? E di mag-ayos na tayo agad. We've already caused them too much trouble para kumilos pa ng mabagal.

Agad na naming inayos ni Adrian ang mga gamit namin. Pagbaba namin ng Hotel, agad naming nadatnan sila Tita at Rio sa Lobby na mukhang kakatapos lang mag sign ng release para saamin.

"Ang laki mo na Days ah! At ang ganda ganda pa! Bagay na bagay kayo ni Raven..." Bati saakin ni Tita as she pinched me on my cheeks.

"Bestfriends lang po talaga kami nitong si Nights tita. Di na po kayo nasanay saamin" Sagot ko nang nakangiti.

"O sige sige, sabi nyo ee. Hahaha. Tara na, buhatin na natin yang mga bagahe nyo sa sasakyan. Baka malate pa tayo sa kasal e.

After ng isang oras na b'yahe, narating din namin ang Destination. Mala mansyon pala ang bahay na tutuluyan namin. Nakatingala ako sa bahay habang pababa ng sasakyan. Ganun din naman si Adrian na halatang nagulat rin.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon