Conflict 10- A 6 day Countdown; Day 1

72.8K 1K 39
                                    

(Adrian's POV) 

1st day

Football Training: The Basics

"Ok. So right foot up then left foot cross. Tapos konting spin then power kick!

Actually mukha akong nangangarap maging mask rider sa pinag-gagawa ko ngayon dito sa kwarto. 4am palang ng umaga, nambubulabog na ako. Mamaya, plano kong mag-jogging. Pero sa ngayon, kinokopya ko muna yung moves ni Christiano Ronaldo sa Internet. 

"Left knee, right knee. Head! Ball landed then slice kick! GOAL!

Feeling ko naman nakukuha ko ng tama yung mga styles nya pero di ko sure kung magagawa ko 'to pagdating na sa field. Parang ang dali lang kasi kung punonoorin pero pag actual na, feeling ko magkakandaloko-loko na.

Ilang sandali pa, nag alarm na ang Phone ko. It's time for me para magjogging. Nagsuot ako ng jacket at jogging pants sabay lumabas ng kwarto. Uminom muna ako sandali ng gatas dahil baka himatayin ako sa daan kung magjogging ako nang walang laman ang t'yan.

Nagsapatos na ako at lumabas ng bahay. Plano ko lang talagang ikutin ang Summitville kaso feeling ko ikamamatay ko kahit ganito lang kalayo. Di kasi ako sanay sa takbuhan eh. Nung magsisimula na sana ako, bigla akong napaisip. 

'Teka? Pano nga ba'ng gagawin bago magjogging? E pano nga ba mag Jogging in the first place? Alam ko may exercise-exercise pa yun e. Pero hindi pa ba exercise yung mag jogging? Hay ewan! Di ko alam kung pano 'to sisimulan!"

Di naman kasi ako regular na nagjojogging eh. Pero na try ko na minsan. Si Sam pa ang kasama ko nun. Malapit na kasi ang laban nya nun sa Taekwando tournament kaya naman kailangan raw nya ng Extra training. Tapos yun, pinilit nya akong mag jogging para maka pag tune up raw ako kahit papaano. Di ko alam kung bakit dinamay pa ako nung bruhang yun. Keso masyado raw akong lampa at mahina. Psh! 

Teka nga. Bakit di nalang kaya ako magpasama kay Sam magjogging? Tama! Magpapatulong nalang ako sakanya. 

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng jogging pants ko at dinial ang number ni Sam. 

"Hello Sam?

"Oh? Kaaga-aga nandidistorbo ka! Sino ba 'to?

"Sam! Ano ka ba? Si Adrian nga 'to. Pwede ba i-save mo na 'tong number ni Raven at once para di ka na ulit-ulit sa pagtatanong?

"Sorry naman! Oh, napatawag ka? Miss mo na 'ko?"

"Mukha mo! May kailangan lang ako."

"Ouch naman. Anong klase ka ba namang bestfriend? Maaalala mo lang ako pag may kailangan. Hmp."

"H-hindi naman sa ganon. I mean, kailangan ko lang talaga kase ng tulong mo."

Inexplain ko na sakanya ang lahat. Sinabi ko na magkita nalang kami dito malapit sa may park. Ilang sandali pa, dumating na sya.

"Oh! Adre!" Tawag ni Sam saakin na naka suot ng plain white t-shirt na maikli ang sleeves at blue jogging pants.

"Sam? Haha. Gumaganda ka ata ah!" Asar ko sakanya.

Pero actually totoo naman na parang ang ganda nya ngayon. Sexy sya sa suot nya tapos ang cute nya pang tingnan.

"Che!" Sabay nag-snob sya. Nagwave pa ang naka poinytail at mahaba nyang buhok na sa totoo lang medyo nakakaturn-on ang dating.

For a sec. napatulala ako. Oo dati nang maganda si Sam pero iba talaga ngayon ee. Talagang gumanda pa sya ng, let's say, 12%?

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon