Conflict 47- Stationary Switch

38.8K 588 85
                                    

(Raven's POV) 

Hospital? Anong ginagawa ko dito? Ang huling naaalala ko, nasa beer house ako. Pero bakit nandito ako ngayon? Nakahiga sa kama at may nakasaksak nadextrose. Nasobrahan kaya ako sa inom kaya ako sinugod dito? I wonder...

Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame, may narinig akong pamilyar na boses mula sa labas na tila papalapit sa kwartong 'to. Kung hindi ako nagkakamali, boses yun ni Mama at ni Rio. 

Pagbukas nila ng pinto, nagulat sila nang madatnan akong gising. Agad tumakbo papalapit saakin si Mama. Nabitiwan nya na ang mga bitbit nyang grocery sa pagmamadali na malapitan ako. 

"Ok na bang pakiramdam mo? Pasensya ka na sa nangyari kagabi ah. Hindi ko naman alam na ganyan na ang kalagayan mo. Hindi ka naman kasi nagsasabi saakin. Hayaan mo gagawa ako ng paraan. Pagpasensyahan mo na ako ah, Raven anak..

Teka.... R-raven? Bakit nya ako tinawag na Raven? Hindi ba nasa katawan ako ni Adrian? Papaano nyang nalaman na.... 

teka.. hindi kaya... 

"Rio, magsorry ka din sa Kuya mo." Maluha luhang utos ni Mama kay Rio.

"Sorry na kuya. Hindi ko nama--"

"Salamin! Pahingi ng salamin!" I exclaimed ignoring what they're all saying. 

Nagtatakang iniabot ni mama sakin ang hugis bilog na salamin na nakapatong sa mesa. Tiningnan ko ang itsura ko at hindi nga ako nagkakamali. Nakabalik na ako sa katawan ko.

Naguguluhan padin ako! Bakit ako nakabalik sa katawan ko? Bakit bigla bigla? May nangyari ba? Di ko maintindihan.. Nakabalik din kaya si Adrian sa katawan nya?? Marami akong tanong na wala namang ibang makakasagot... 

"Kinausap na namin ang doctor mo."  Umiiyak padin si Mama. "Matagal mo na palang alam 'to. Bakit di mo agad sinabi? Eh di sana naagapan pa natin?" Bakas sa mukha nya ang matinding pag-aalala.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon