Conflict 30- Back Home

46.2K 680 41
                                    



*Music plays here



(Hillary's POV)


Hindi kami nag-uusap ni Raven kahit pa na magkatabi kami sa van. Kaming dalawa nalang ang natitirang gising maliban sa driver. Bakas sa mukha nya na nalulungkot sya. Kanina pa sya hindi mapakali. Ayoko rin naman syang kausapin kasi parang magmumukhang di ako marunong magtiis. Para naman sa ikabubuti naming dalawa 'to ee. We need space. Kailangan lang namin munang mag recharge. Pero sigurado ako na hindi magtatagal, dadating yung araw na magkakausap ulit kami at magkakaayos. Sana marealize nya na para sa kapakanan nya 'tong ginagawa ko..


Feeling ko kanina nya pa ako gustong kausapin. Pero kahit na kausapin nya pa ako, hindi rin naman ako sasagot eh. Kailangan ko nang simulan ang kondisyon ngayon.


"Er, Days?" Mahinang tawag nya. "Alam kong di ka sasagot pero itatanong ko na rin 'to sayo.


Nakatingin lang ako sa bintana. Hinihintay ko ang sasabihin nya.


"Uhm. . ." tila kumukuha sya ng bwelo, "ano kasi. Uhm. . ."


Tumingin na ako sakanya. Not to intimidate him but to help him instead.


"Pwedeng bang. . . uhm, pwede ko bang hawakan ang kamay mo?


Inalis ko ang tingin ko sakanya at ibinalik sa bintana. Hindi na sya nagsalita pa. Makalipas ang ilang minuto, tumingin ako ulit sakanya para malamang nakatulog na pala sya. Napailing nalang ako kasabay ng pagpatong ko ng ulo sa balikat nya para matulog din. Naramdaman ko na gumising sya sandali. Nagulat siguro sya sa ginawa ko.


Mga around 10am nang makabalik kami. 12 midnight kasi kami umalis galing La Union kaya sobrang bagsak ang mga mata namin sa b'yahe. Sa harap ng bahay nila Samantha kami bumaba.


"Nakauwi rin!" Paunat unat pa si Samantha.

"Ayos!" Adrian yawned. "Ang sarap ng tulog ko."

"Guys. Mauna na ako sa bahay." I said. "Salamat Samantha sa pag-invite saakin ah."

"No problem." She tapped me on the shoulder.

"Mauna na rin kami ni Rio. Natutulog pa sya sa Van eh." Said Adrian. 

"Ok. Papasok na din ako sa loob." Paalam ni Samantha.


Dalawa nalang kaming naiwan ni Raven na nakatayo. Ang awkward lang ng feeling. Walang nagsasalita saaming dalawa. 


"G-gusto mo ba ihatid kita?" Offer nya.

"Hindi na. Kaya ko nang mag-isa." Nagbow ako sakanya sabay lumakad na paalis.

"Uh. . . s-sige. Ingat." Pahabol nya.



The Next Day. . .


Nakahiga lang ako sa kama and I don't feel like doing anything. Nakatingin lang ako sa phone ko na tila naghihintay ng text. Hanggang sa napagod na rin ako kakatitig at ibinaba ko na 'to. Napaka boring talaga ng mga ganitong araw. Parang nung isang araw ang saya saya ko lang. Oo, masaya ako dahil nakabonding ko ulit si Raven ng ganun. But right now, sa tingin ko kailangan ko munang palipasin ang 1 month bago kami bumalik sa dati. 

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon