Conflict 21- The Dead Body's Freedom

64.3K 938 88
                                    

(Raven's POV)

Napaka laking tinik ang nabunot saakin nang malaman ko ang katotohanan. Ayos na ang lahat ngayon since nagkaliwanagan na. Yun nga lang, parang may namuong galit si Samantha saakin dahil raw sa KAHIHIYAN na ginawa ko. Nagsabi lang naman ako ng totoo eh!

"Sa susunod, mag-iisip ka muna bago ka magsalita!" Sigaw ni Samantha saakin.

"E akala ko naman kasi—

"Shut up! Wag kang magsasalita hangga't di ko sinasabi.

Ewan ba kung bakit ganito. Parang takot na takot ako sakanya. Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto nya. Nakaluhod ako sa sahig habang may buhat-buhat na dalawang mabigat na libro sa magkabilang kamay. Para syang nanay kung pagalitan ako. Wala namang masama dun sa nasabi ko eh. 

"Lilinawin ko lang sayo ah," pagpapatuloy nya habang nakaduro sa mukha ko, "hindi ako inlove sa nerd na yun kahit na gumwapo na sya. And besides, hindi ko rin naman kinoconsider na gwapo yung katauhan mo no!

"Oo na! Naiintindihan ko na. Paalisin mo na ako dito!" Sigaw ko.

"Hindi! Parusa mo yan." Matigas nya. "Sa oras na tumayo ka dyan, sasabihin ko ang sikreto mo kay Hillary!

"A-anong sikreto?

"Sasabihin ko na mahal mo sya!

"Hoy! Hindi ako bakla no! At bakit naman ako maiinlove sa sarili ko ha?"

"Si Hillary ang tinutukoy ko.
"

"Er? S-sabi ko nga." Bakit ko ba naisip na so Adrian ang tinutukoy nya?

Tama, hindi ko nga nagawang aminin kay Days ang totoo kahapon. Nung mga oras na yun, napagisip-isip kong mali ang timing kung sasabihin ko na agad sakanya. Narealize ko lang na mas efficient kung hihintayin ko na sya mismo ang magkagusto saakin. In that way, hindi ko sya madidisappoint. Inamin saakin ni Days na galit sya saakin dahil sa ginawa kong wish, pero wala na raw syang magagawa kundi tanggapin yun. That's the Days I know.

"Sige! Kapag ginawa mo yun, Sasabihin ko rin kay Adrian na—" bigla akong napatigil sa pagsasalita nang isubo nya ang panyo sa bibig ko.

"Sige subukan mo!" Banta nya. "Asa namang maniniwala sayo yun.

Kung sabagay tama sya. Mapapaikot nya lang si Adrian sa lahat ng sasabihin ko. Pati sigurado naman akong papatayin ako nitong halimaw na 'to kapag sinabi ko kay Adrian yun.

Kinabukasan. Mag-isa akong nakatunga-nga sa desk ko habang nakatingin sa bintana. Napaka boring ng buhay nitong si Adrian. May mga times na namimiss kong magtraining at maglaro ng soccer. Pinapanuod ko mula dito sa bintana ang mga soccer players ng Southville habang nagt-training. What if maki sali kaya ako sakanila? Wala namang mawawala siguro no? Baka kunin pa nila akong player kapag nakita nila ang skills ko!

Agad akong tumayo sa upuan ko nang nakangiti. Lumabas ako ng classroom at pumunta sa field kung saan sila nagt-training. Di ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Excited na akong makipaglaro sakanila.

"Ikaw? Sasali sa team namin? Nagpapatawa ka ba Adrian?" Sabi ng isang malaking lalaking player.

"Baka naman nananaginip yan Baste! Sapakin mo nga nang magising!" Sabat pa nung isa pa.

"E bakit hindi nalang tayo maglaro para makita natin kung sino ang nanaginip ha?" Hamon ko.

"Sige na nga, pagbigyan na natin 'tong NERD na 'to at baka umiyak pa." Nagtawanan sila. "Alright! Formation!"

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon