Conflict 44- All This Time?

43.5K 592 74
                                    




(Samantha's POV)




December 24, Morning.. 



"Oy! Ang OA mo Samantha ah. Kailan mo ba balak patawarin yung tao?" Tanong ni Raven habang tinutulungan nya akong magbuhat ng mga pinamili namin para sa noche buena. 

"Ano ka ba? Ganun talaga yun. Hindi lahat nakukuha ng madalian."

"Pero hindi naman ganun kasi kalaki ang kasalanan ni Adrian diba?

"Eh bakit nung kayo ni Hillary? Diba ang tagal ka nya ring napatawad. Eh halos sumuko ka na nga bago nya pa klaruhin sayo na OK na kayo eh."

"Wag mong sabihing may balak kang patagalin ng ganun ang sainyo ni Adrian!?" Napahinto sya sa paglalakad.

"Hahahaha. Pwede..." Nauna na ako at iniwan sya.

"Seryoso ka ba talaga!? Psst! Oy! Samantha!!




Ngayon naiintindihan ko na kung bakit napatagal ang pagpapatawad ni Hillary nun kay Raven. Siguro pareho lang naming hinahanap ang satisfaction sa pamamagitan ng effort na ibibigay nila. Hindi naman sa sobrang galit pa ako kay Adrian. Actually medyo ok naman na ang pakiramdam ko sakanya eh. Yun nga lang, nakukulangan pa ako. Siguro konting push nya pa, mapapatawad ko na sya.



Mamayang Christmas eve, nakaschedule kaming bumisita sa Claveria Residence. Nagyaya na kasi nun si Adrian long before. Yun nga lang, hindi ko sure kung makakapunta ako dahil nga sa hindi pa kami nagkakabati. Pero kung di naman ako nagkakamali, alam kong gagawa ng paraan 'tong si Adrian para magkaayos kami bago pa man lumubog ang araw.(✿◠‿◠) 




Pagkauwi ko ng bahay, binati agad ako ni Mama. She asked for my help as well. At dahil wala naman na akong ibang gagawin, then naisipan kong tulungan ko nalang sya sa pagpre-prepare ng noche buena.




When suddenly, i heard my phone ringing. Adrian is calling again. Nung sinagot ko 'to, he gave me an instruction to do.





"Labas ka ng bahay. Bilis." Pangungulit  nya.

"Bakit nga? Ano na naman bang gagawin mo?" For some reason, dinala ako ng mga paa ko sa labas. 

"Tingin ka sa kanan." Instruct nya ulit.

"Ano ba kasi—" Napatigil nalang ako bigla sa nakita ko.




Mula sa di kalayuan, nakita kong nakatayo si Adrian kasama pa ang ilang lalaki na may dala dalang placards. It says "I'm Sorry". Habang si Adrian naman, may buhat-buhat Cake. Napangiti ako nung una, pero syempre hindi ko pinapahalata. Lumapit si Adrian saakin at iniabot ang cake.

Half DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon