Chapter 10: Formal Break Up.

17.1K 218 13
                                    

*Chapter 10: Formal Break Up.*

Jhaime's POV

Noong nakasandal ako sa balikat ni Flamem hindi ko alam pero nakaramdam ako ng comfort kahit na wala siyang ginagawa, kahit na hindi siya nagsasalita, kahit na nakalagay lang 'yong ulo ko sa balikat niya at umiiyak.

"Alam mo ang sakit ng ginawa niya sa akin. Galit na galit ako sa kanya pero naiinis ako sa sarili ko dahil mahal ko pa din siya." hindi sya umimik. Siguro pinapakinggan niya lang ako kaya nagpatuloy ako, "mahal ko sya e. Pero bakit niya ginawa sakin 'yon? Hindi naman ako nagkulang sa kanya e. Minahal ko siya. Pinaramdam ko 'yon sa kanya pero bakit parang kulang pa rin?"

Umiyak ako ng umiyak, hindi pa rin umiimik si Flame, "siguro sa sobrang pagmamahal ko sa kanya kaya kahit galit ako sa kanya ay siya pa rin ang gusto kong makasama." natawa ako ng bahagya sa nasabi ko. Ewan ko. Nababaliw na ata ako, "siguro kung babalik siya sa akin, hindi ako magdadalawang isip na tanggapin siya ulit kasi mahal ko siya, mahal na maha." ilang minuto din ay kumalma na ako. Hindi pa rin naimik si Flame.

 "Salamat sa pagcomfort a." napatingin siya sa akin bigla. Bakit parang nagulat siya sa bigla kong pagsasalita? E, diba kanina pa ako nagsasalita dito? Don't tell me hindi siya nakikinig? Tsk. Tumingin ulit siya ng diretso tapos tumango. Tumayo na ako

"Sige, papasok na ako. Salamat ulit. Lalabhan ko na ang itong panyo mo at ibabalik ko after."sabi nya, "no need. It's yours. I don't need it anyway or if you want, throw it."

"No, ibabalik ko ito."

"Whatever." hindi na ako nagsalita, umalis na lang ako at pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong si Kuya First, nakayuko lang ako at nasa harapan ko siya.

"Jhaime? Okay ka lang ba?" tanong niya habang yumuyuko at sinusubukang tignan ang mukha ko kaso iniiwas ko. Alam ko naman kasing maga itong mga mata ko e pero kahit na anong iwas ko nahuli niya pa rin. Hinawakan niya 'yong mukha ko tapos itinunghay para makita niya 'yong mata ko, "bakit maga 'yong mata mo? Umiyak ka ba?" umiling lang ako tapos ngumiti.

"Hindi a. Ilang beses kasi akong napuwing kanina sa labas kaya ayan." pagpapalusot ko. Hindi siya sumagot, parang hindi naniniwala. Hay. I flashed a reassuring smile, "I'm really okay Kuya Frans, promise." hindi siya nagsalita saglit.

"Okay, sige." tinanggal niya 'yong kamay niya sa pisngi ko. Nakangiti pa rin ako sa kanya, "sige Kuya akyat na ako a. Napagod kasi ako." tumango lang siya at naglakad na ako paalis ng may ngiti pa rin sa mga labi pero pagkalagpas ko kay Kuya Frans, nawala bigla ang mga ngiting 'yon. Napayuko ako bigla at napatakbo paakyat. Pagkapasok ko sa kwarto ko dumiretso agad ako sa kama ko, humiga, nagtalukbong at umiyak ulit. Nagba-vibrate 'yong phone ko pero hindi ko 'yon tinitingnan hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

**

Kinabukasan

Tumunog na ang alarm clock ko. Pinatay ko naman 'yon agad at tinakpan ang mata ko ng kaliwang braso ko. Ang hapdi. Tsk.  Friday pala ngayon, wala akong pasok bukas kasi aalis ako pupunta na akong states. Joke lang, may pasok ako bukas pero ayokong pumasok. Bakit? Ewan ko. Haha! Tumayo na ako sa kama ko ng medyo nakapikit pa rin, pumunta ako sa mirror at dinilat ko 'yong mata ko at nanlaki ang mga mata ko. 

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon