Chapter 7: is it possible?

9.5K 110 5
                                    

*Chapter 7: is it possible?*

Jhaime's POV


matapos kong malaman ang lahat ng yun

iniwan ko si First sa apartment ko at umuwi

habang umiiyak

pagkauwi ko

andito na sila Ate Clare

"Oh Jhaime, andito ka na-- Teka, bakit ka umiiyak?" napatayo sya dahil nakita nya akong umiiyak

tumakbo ako sa kanya at niyakap sya at umiyak ng umiyak

hinahagod lang nya ang likod ko

"Wait, Jhaime. Ano bang problema?"

humikbi lang ako

hindi ako makapagsalita dahil sa paghikbi ko at dahil na rin sa hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang pagkukwento

bumitaw si Ate tapos pinunasan nya yung mga luha ko

"Oh sige. Halika, dun tayo sa kwarto mo." tumango ako tapos nauna ng maglakad

"Manang!! Dalhan nyo ko ng tubig sa kwarto ni Jhaime!" narinig ko na sigaw ni Ate tapos sumunod na din sa akin

pumasok ako sa kwarto ko at dumapa sa kama ko

narinig ko naman na pumasok si Ate at sinara ang pintuan

lumapit sa akin at hinawakan ako sa ulo

"Jhaime."

umupo ako tapos yumuko

"Ate, nagkita kami ni First kanina."

alam kong nagulat sya sa sinabi ko kasi hindi agad sya nagreact

"Sa playground, malapit sa building ng apartment ko."

"Anong nangyari?" at ayun nga kinuwento ko sa kanya

halos hindi ko na nga mabanggit ng maayos yung mga salita ko dahil sa paghikbi ko eh

umiiyak nanaman ako

"Bakit ganun Ate? Bakit ang selfish nila?! Bakit ganun?! Naging masama ba ako sa kanila? May nagawa ba ako sa kanila?! Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?! BAKIT KAILANGANG MANGYARI SA AKIN ANG LAHAT NG ITO!?!?" niyakap ako ni Ate

"Shhh..."

"Ate... nasira ang buhay ko dahil sa kanila.. *sobs* nawala ang taong mahal ko nang dahil sa kasinungalingan nila.. *sobs*"

"Jhaime.."

"Paano na ako ngayon Ate? Paano ko maibabalik ang dati? Paano ko mababawi si Flame kung matatali na ako sa iba?" bumitaw si ate tapos tinignan ako diretso sa mata

she cupped my face

pero hindi nagsalita

"Ate paano?? Mahal na mahal ko pa rin si Flame hanggang ngayon pero paano ko sya mababawi?"

"Shh, Jhaime. Hindi pa naman huli ang lahat eh."

"Ate huli na!! Hindi ko na sya mababawi dahil sirang sira na ako sa pamilya nila at matatali din naman ako kay Silver."

"May paraan pa!"

"Paraan? Wala na ate!! Wala!"

"Ano ba! Tutulungan kita. Sasabihin ko kay Mommy at kala Tita na wag ng ituloy ang kasal."

"Ate sa tingin mo ba, papayag sila?! Hindi!! Dahil nakita ko kung gaano kadesperada sila na makasal kami ni Silver!"

"Mahal mo ba si Flame?" natigilan ako

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon