Chapter 4: Snob

19.2K 251 25
                                    

*Chapter 4: Snob*

Jhaime's POV

Bakit ganun? Parang familiar ung likod nya? Nakatitig lang ako sa likod nya habang paakyat ng hagdan. Hm, para talagang familiar sya sa akin pati yung boses. Isipin ko lang.

"Be careful next time. This is not a playground for you to just run around."

OHMYGOD! Sya yun?! Sya yung nakabangga ko?? WTH?? Ano ba yan! Bakit sya pa? Badtrip oh! Napakasungit talaga!

"Jhaime kumain ka na ba??" tanong ni First. Umiling ako. Di nga pala ako nakakain ng maayos nung mga nakaraang araw at di din ako kumain kanina kasi diretso ako dito -.-

"Hindi pa nga eh."

"Oh sige. Doon ka muna sa sofa, paghahanda lang kita ng makakain." eh? Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw?! Ipaghahanda nya ako! Hala! Nakakahiya!

"Ay Kuya Frans, wag na ok lang ako. Nakakahiya namang ipaghahanda mo ako ng pagkain. Kaya ko pa naman eh." sabi ko

"Hindi, ok lang yun hindi pa rin naman kami nakakapag-almusal eh. Don't worry, Jhaime. " Nakangiting sabi  ni Second. Ow. Kinahaban naman ako doon. Akala ko ako lang yung paghahandaan nila eh hehe! Ok assuming ako pasensya na >_<

"Ganun ba? Sige pero tulungan ko na kayo." sabi ko tapos tatayo na sana kaso pinigilan ako ni Second.

"Hindi na, kami na ang bahala. Makipaglaro ka muna dyan kala EmEm o kaya manood ka na lang. Kakarating mo lang eh, pagod ka pa." sabi ni Kuya Frans. Wala na akong nagawa, tumalikod na sila. Tama din naman sila, pagod pa ako dahil sa byahe at dahil sa stress nung mga nakaraang araw nung nalaman ko na lilipat ako dito. Tumigil sa paglalaro sila Eight at Seven tapos tumabi sa akin at nanood kasama ko. Ah, kambal po sila HAHA! Identical twins, 15 years old na sila parehas, napakagwapong kambal jusko kung siguro kasing age ko lang sila at hindi ko sila kilala nako! Magkakagusto ako sa kambal na ito kaso hindi eh XD

Si First 20 years old na, si Second 19 years old, si Third 18, si Fourth (=_=) at Fifth parehas 17 years old, ewan ko kung pano nangyari yun, hindi ko naman sila natanong kasi busy, si Sixth 16 na tapos sila EmEm na 15 years old. Oh diba ang astig, isang taon lang ang pagitan. Ang sisipag naman nila Tita Agnes. WAHAHAHAHA! 

Ay teka, asan yung sinasabi ni Mommy na may kapatid daw na babae sila Kuya Frans? Di ko sila nakita kanina dito eh.

"KUYAAAAAAAAAA!!" Eh? Sino yun? Biglang may sumigaw sa may hagdan kaya napatingin ako. May dalawang batang babae na cute na cute na bumababa sa hagdan. Don't tell me--

"Hey princesses." sabi ni First tapos lumabas ng kusina.

"I'm hungry." sabi nung isang cute na bata. Mukha silang Korean nakakatuwa. May Korean blood din kasi ako since half-Korean ang Mommy ko at sa korea ako nag-aral ng 5 taon. Marunong akong magsalita ng Korean at makaintindi syempre. Actually, ang mga Num eh half-Korean since si Tito eh Korean kaya ang ga-gwapo't magaganda at mapuputi sila.

"Alright, baby. Wait a minute ok?" masaya namang tumango yung dalawang bata. Nakatingin lang ako sa kanila tapos nakita kong lumapit sila sa akin.

"Emerald, Topaz, meet Ate Jhaime. Jhaime si Emerald at Topaz., bunso namin." -Kuya Frans. Medyo nagulat ako pero nakarecover lang. WTH?? 10 silang magkakapatid? Sabi ko nga masipag sila Tita HAHAHA! Joke! Ngumiti lang ako tapos hinawakan ko yung kamay nung dalawa.

"Hi!" nakangiti kong sabi. Tinitigan nila ako.

"Are you Korean, Ate?" tanong ni Nineth o si Emerald. Medyo nagulat ako sa tanong nya pero ngumiti ako sa kanila.

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon