Chapter 9: His POV.

17.6K 227 46
                                    

*Chapter 9: His POV*

Flame's POV

Noong nakita kong umiiyak si Jhaime sa may pool side namin, hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin at nilapitan ko siya at binigyan ng panyo. Alam kong nagulat siya pero kinuha rin naman niya 'yong panyo. The she wiped her tears but it's useless kasi tumutulo pa rin iyong mga luha niya. Umupo ako sa tabi niya at doon ko nalaman na umiiyak na talaga siya.

Inilagay ko 'yong kamay ko sa kaliwang side ng ulo niya tapos ipinatong sa balikat ko. Eto lang naman 'yong alam ko para magcomfort ng isang babae kasi ginagawa ko 'to sa girlfriend ko. Yeah, I have a girlfriend. So, it is really impossible for me to fall in love with Jhaime again. Anyway, nakahiga lang siya sa balikat ko at umiiyak. I know the reason why she's crying. How? Well..

**

*Flashback*

 I am waiting for my girlfriend here at the parking lot when I saw Jhaime riding her bike. I was just looking at her. Hm. After a minute or two, nakita ko ulit siyang palabas na ng parking-an ng bike. Pinapanood ko lang siyang maglakad ng mapansin kong tumigil siya sa paglalakad tapos tumingin sa may kanan niya, andito kasi ako sa kaliwang side. I got curious so tumingin din ako sa tinitignan niya at nakita ko 'yong nakikita niya, may lalaking nakikipaghalikan sa isang babae.

Hm, why is she looking at them? Napansin ata siya noong lalaki kasi tumingin siya kay Jhaime tapos biglang naglakad si Jhaime pero hinigit siya noong lalaki. Nag-uusap sila at mukhang  may sinabi 'yong lalaki na parang ikinabigla ni Jhaime, nakatulala lang siya na para bang may sinabi yung lalaki na hindi niya mapaniwalaan. Nakikita ko yung mga luhang tumutulo sa mga mata niya pero noong may sinabi ulit ang lalaki sa kanya ay nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mga mata niya. Hindi ko sila naririnig since malayu-layo ako ng kaunti sa kanila.

Marahas na pinunasan ni Jhaime ang mga luha niya at bigla na lang niyang hinila 'yong braso niya sa pagkakahawak noong lalaki at tumalikod na. Akala ko ay aalis na siya at mukhang ganoon din ang lalaki dahil tumalikod na din ito at mukhang babalik na doon sa kahalikan niyang babae pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Bumalik siya sa lalaki, hinigit niya tapos ay malakas na sinampal ng dalawang beses at sinapak niya pa. Napa-upo ang lalaki sa sahig at mukhang gulat na gulat sa ginawa ni Jhaime.

Sumandal ako sa pader at pagkasandal ko dumating naman agad si Pricilla, "tara na." tumango lang ako tapos hinawakan iyong kamay niya at umalis na.

*end of flashback*

**

I don't really care about her, I was just curious kaya ko sila pinanood.

"Salamat sa pagcomfort a." sabi niya bigla kaya napatingin ako sa kanya tapos tumingin ulit ng diretso at tumango. Inalis ko na yung kamay ko at tumayo siya

"Sige, papasok na ako. Salamat ulit. Lalabhan ko na ang itong panyo mo at ibabalik ko after."sabi nya, "no need. It's yours. I don't need it anyway or if you want, throw it."

"No, ibabalik ko ito."

"Whatever." hindi na siya nagsalita, umalis na lang siya ng tuluyan. Naiwan ako dito. Aish! Makaligo na nga lang. Tumayo ako tapos lumapit sa may pool, tinanggal ko 'yong t-shirt ko tapos nagdive na sa pool. Lumangoy ako ng lumangoy at ng mapagod, tumambay ako sa gilid ng pool habang nakababad ako sa pool. Nakatingin lang ako sa kawalan noong biglang dumating 'yong kambal ko. Si Fifth.

"Kuya." tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon.

"O?"

"May itatanong lang ako."

"What?" umupo siya sa tabi ko at inilublob 'yong paa niya sa tubig,  "may gusto ka ba kay Jhaime?" napatingin ako sa kanya bigla, nakatingin siya sa may tubig. Tss. Lumublob ulit ako sa tubig tapos lumangoy.

"Kuya! Hindi mo pa sinasagot 'yong tanong ko!" sigaw nya pero hindi ko siya kinibo. Umahon ako tapos kinuha ko iyong t-shirt ko at pinunasan ko 'yong mukha at katawan ko. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ng kapatid ko.

"Kuya." hinigit niya ako sa braso tapos iniharap sa kanya, "Tsk! What!?"

"May gusto ka ba kay Jhaime?" tanong ulit niya. Tinignan ko lang siya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. I tsked.

"Why do you always ask me that!?"

"Because you're not answering the fvcking question, Kuya!" I rolled my eyes at him and said, "no, I don't like her. Happy now?" and with that, umalis na ako.

**

Fifth's POV

"No, I don't like her. Happy now?" pagkasabi niya noon ay umalis na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag doon.

"Mabuti naman at wala kang gusto sa kanya." sabi ko sa sarili ko at napangiti.

"Hoy!" napatalon ako sa biglang sumigaw, "Kuya Seiphiel!" humagalpak naman sa kakatawa si Kuya Second. Baliw talaga.

"Ano ba! Kuya naman e!" tinawanan lang ako. Sira ulo. Hindi ko na lang pinansin, umupo na lang ako sa may bench at  sinundan naman ako ni Kuya na tumatawa pa rin dahil sa kagag*han niya. Umupo siya sa tabi ko na medyo tumatawa pa rin, "Fifth, narinig ko 'yong tinanong mo kay Flame kanina." napatingin ako sa kanya

"Narinig mo?" tumango siya at nakangiti siyang tumingin sa may pool, ako naman tumingin sa langit.

"Bakit mo tinanong kay Flame kung may gusto siya kay Jhaime?" tumingin ako sa kanya, nakatingin pa rin siya sa may pool pero seryoso na ang mukha niya, "wala lang." tumingin siya sa akin.

"Pwede ba namang wala? Nagtanong ka sa kanya dahil wala lang? O c'mon Fifth! I know you." ngumiti ako tapos tumingin ulit sa langit, "gusto mo ba talagang malaman, Kuya?"

"Oo naman! Kaya ko nga tinatanong." hindi ko na lang pinansin ang pamimilosopo ni Kuya, pumikit na lang ako tapos seryosong tinignan si Kuya.

"Kaya ko tinanong si Kuya Flame kanina kasi gusto ko siya. I like her so much, Kuya." pagkasabi ko noon ay tumingin ulit ako sa langit, "mula noong bata pa tayo, gusto ko na siya pero kasi noong bata pa tayo ikaw ang gusto niya e."

Hindi sumagot si Kuya. Tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa may baba, parang ang lalim ng iniisip, "Kuya?" inalog ko siya ng konti, napatingin naman siya sa akin bigla.

"A, ganoon ba? Haha! Nice naman Fifth! Ikaw a." tumawa siya ng tumawa tapos biglang tumayo at umalis ng tumatawa pa rin. E? Problema noon? Natuluyan na ata siya. Napailing na lang ako.

**

Seiphiel's POV

Umalis ako ng tumatawa pero noong makalayo ako nawala agad 'yong tawa ko at tumakbo ako papuntang garden tapos umupo sa may bench doon at nag-isip.

"Oo nga ako nga ang gusto niya dati, ang tanong hanggang ngayon pa kaya? Kasi ako hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko."

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon