Prologue

64.6K 815 23
                                    

Prologue

"Good morning Miss Ianna, I am Marielle the coordinator of the modeling department here in Arcega University. Nice to finally meet you in person." Bati sa kanya ng babaeng nakatayo sa harapan niya at naglalahad ng kamay.

She removed her shades and accepted her hand. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Not bad. She said to herself. Infairness to this school, may kanya-kanyang building ang bawat department. Even this short term course modeling has it's own building. Tama nga ang sabi ng kanyang manager this school is really one of the top universities here in the country. Designs pa lang ng mga building at itsura pa lang ng buong campus pang-prestigous na ang dating.

"Thank you for accepting our invitation, this is really a great honor to our department."

She just smiled, sa totoo lang ay nagdadalawang isip siyang paunlakan ang imbetasyon ng university na ito na maging guest instructor sa mga modeling students, she is a supermodel that means she is a very very busy person. She barely had time to relax, she travel from one country to another just to have a photoshoot and this guest instructor thing, hindi niya makitaan ng importansya dahil sa totoo lang ano bang malay niya sa mga gantong bagay hindi ba? Nang sabihin ito ng kanyang manager ay nagtaas lang siya ng kilay.

"Your welcome. Anyway, let's proceed to our real agenda here dear. Let's get going." Tumayo na siya sa pagkakaupo sa isa sa mga sofa ng lobby ng building. Agad namang tumayo ang nagpakilalang Marielle na tila nagulat sa sinabi niya. Well, what can she do? She is the type of person that goes straight to the point. Why would you prolong the inevitable, right? If it's meant to be said then go, say it. There's no point in prolonging things.

"Yes ofcourse ma'am. Let's proceed this way." Iginiya siya nito sa elevator.

"How many students will I meet today? Hindi na kasi ako nainform ng manager ko, she's a bit busy." She shrugged.

"About one hundred students ma'am. You are meeting all of our modeling students. We would like everyone to learn things about modeling from you." Paliwanag nito.

Napatango siya. "Now I'm flattered."
She joked to lighten up the mood. Mukhang nahiya na ito ng masample-lan ng katarayan niya.

Binuksan nito ang pintuan at bumungad sa kanya ang samut-saring mukha ng mga estudyante. Mukhang isang malaking dance studio ang hall dahil kahit saang panig ay may salamin. Agad namang nagsiayos ng upo ang mga estudyante na naka-squat sa sahig ng makita sila.

"Ang ganda niya talaga, kaya idol na idol ko siya eh. She is freakin' gorgeous!"

"I'm gonna die. She is a goddess!"

"Oo nga, nakakatibo lang!"

Rinig niyang bulungan ng mga estudyante. She nearly flipped her hair. Well, iba na talaga ang maganda.

Marielle gave her a go signal to start.

"I am Ianna Nieva, I know you already heard about me, yung hindi pa sige makakalayas ka na. Dali pagkakataon mo na itong makapag-skip ng class." Everyone chuckled. "Walang gustong umalis? Ikaw din baka mabore ka. Okay let's start then." Inilapag niya ang kanyang bag sa upuan sa kanyang tabi before facing everyone. "Ianna Nieva, hindi ba yung model yun na mataray. That's what people often say isn't it? Kapag nabanggit ang pangalan ko kasunod na niyan ang mataray kulang na lang maging Ianna Mataray Nieva ang pangalan ko." The crowd chuckled again. "But the hell I care. Bakit ako ma-o-offend doon eh totoo naman na mataray ako, 'diba? That's the basic rule in modeling, accept your flaws use it as your strength and work it. You can not stand confidently infront of the camera and everyone if you're holding back some insecurities in you because of your flaws. Don't let insecurity beat you up, live with your flaws. Don't worry hindi po nakamamatay yan!" Napatawa ulit ang mga estudyante maging ang mga instructor na naroon din.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ