Song #2 Mahal Kita

32 5 0
                                    

Eto yung next kong kinompose ko pong kanta sana magustuhan niyo . Eto na ang ud!!

---

Mahal Kita


Verse I

Ikaw ba'y nauutal na, kapag kausap s'ya

Napipilipit ang dila 'di mo masabing "mahal mo s'ya"

'Di agad makatulog sa gabi, kakaisip sa kanya

S'ya lang talaga ang laman ng isipan wala ng iba pa.


Refrain:

Kung may lakas lang ng loob na sabihin sa kanya

'Di sasayangin ang pagkakataon, walang pag-aalinlangan pa.


Chorus:

Mahal kita, higit sa iba

Bawat sandali, gustong makapiling ka

Mahal kita, ako'y mahal mo ba?

Ayoko nang humanap ng iba, dahil mahal kita.


Verse II

Nagseselos ka ba, kapag may kasama s'yang iba

Gusto mong ikaw na lang sa tabi nya

Nasasaktan ka ba, kapag may nanakit sa kanya

Gusto mong ikaw na lang maging sandalan nya.


Refrain:

Kung may lakas lang ng loob na sabihin sa kanya

'Di sasayangin ang pagkakataon, walang pag-aalinlangan pa.


Chorus:

Mahal kita, higit sa iba

Bawat sandali, gustong makapiling ka

Mahal kita, ako'y mahal mo ba?

Ayoko nang humanap ng iba, dahil mahal kita.

III

Alam kong kung hindi pa ako magtatapat

Baka pagsisihan ko pa ito sa hinaharap

Ang aking kaduwagan ay aking tatanggalin

Dahil sya ang babaeng gusto kong makapiling.

(Repeat Chorus 2x)


Ayoko ng humanap ng iba...

dahil mahal kita...
----------

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon