OS#5 - Imahinasyon

5 2 0
                                    

New year. New update.
New song.

Kanta x Original

---

Imahinasyon

(Composed by: Ang Ginoong Manunula)

Verse 1:
Isang babae ang aking kasama
Sya'y aking kaibigan tatlong taon na
Tatlong taon na rin ako nag-aantay
Ngunit may katorpehan akong taglay

Pre-chorus 1:
Di na malaman ang gagawin
Matutupad pa kaya ang aking hiling?

O magiging..

Chorus:
Imahinasyon na nga lang ba?
Kung ako ay umaasa sa wala
Matutupad pa kaya
Kung ito ay isang malaking imahinasyong lang pala

Verse 2:
Sa tuwing kasama,
Kumakabog ang dibdib ko sa kaba
Mga salita ay nauutal pa
Paano na kaya kung ako'y magtatapat pa?

Pre-chorus 2:
Paano pa kaya ito matutupad
Kung ako ay kukupad-kupad

At lahat magiging..

Chorus 2:
Imahinasyon lang pala
Bakit ako'y umaasa pa
Hindi naman ako gwapo
Sino ba naman ako para sa 'yo

Dahil Isang imahinasyon lang ako

Last Verse:
Nag-iisip isip sa isang tabi
Di ko na kaya pa itong isantabi
Kinuha ang gitara at isinama na mga tropa
Handa na kong isakatuparan, wala ng atrasan pa

Dahil ayaw kong maging..

Isang imahinasyon..

Last Chorus:
Imahinasyon ko lang pala
Bakit ngayon ko lang sinubukan kung may pag-asa pala
Pero naniniwala akong lahat ng bagay
Makukuha mo sa tamang panahon..

..dahil lahat ay nagmula sa imahinasyon

---

AN: Sana napangatawanan ko ang kantang ito..

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon