Poem #6 Upang Pangarap, Ating Makamtan

28 8 0
                                    

Upang Pangarap, Ating Makamtan

I

Ang sakit isipin

Ang hirap tanggapin

Ang kanyang puso kayhirap kunin

Pati ang pagpaparaya ang hirap gawin.

II

Matatawag ba akong hangal

Isa lang naman akong taong nagmahal

Sa taong 'di naman ako mahal

Pag-ibig ba saki'y pinagbawal?

III

May karapatan pa ba akong umibig at ibigin?

Mayro'n bang taong ako'y mamahalin

Pag-ibig na tunay na mag-aalay sa akin

Na kahit anong balakid walang
makakapigil sa 'min.

IV

Isang pangarap na lang ba ang lahat?

Ang araw sa 'kin 'di na yata sisikat

Pero sa pagdating niya nagbago ang aking buhay.

'Pagkat  buhay ko'y binigyan niya kulay.

V

Sa pagdating niya sa aking piling

Ay 'di ko naman hiniling

'Pagkat siya'y kusang dumating

Ng 'di ko inaasahan man din.

VI

Nasaktan man ako nung una

Ito'y simula lang pala

Ng isang hamon na kailangan nating malampasan

Upang ang mga pangarap natin, ating makamtan.

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon