OS#6 - Marriane

5 1 0
                                    

"Marriane"

Verse 1:
Marriane ang kanyang pangalan
nasa kanya na ang lahat ng magandang katangian
Mabait, maganda, di magsasawang titigan
At kahit magdamagan pa kayo magkatawagan

Ngunit hindi ko alam kung bakit sya inaayawan
Ng mga lalakeng walang ginawa kundi mang-iwan
Matapos mong ligawan, iyong hihiwalayan
Kaya tuloy sya ngayon ay nasasaktan

Chorus #1:
Ano wala kay Marriane na meron sa kanya?
Ba't di mo gawing bebe magiging masaya ka sa kanya
Ano pang gagawin para ang puso mo'y maangkin?
Wala na bang pag-asa na sya'y iyong mahalin..

Verse 2:
Kaibigan ko si Marriane, kaya kilalang kilala ko na yan.
Mapag-aruga, mapagmahal hindi pagpapalit ng basta basta na lang.
Pero dahil kaibigan ko sya, mas nasasaktan ako pag nasasaktan sya
Kaya ano pang gagawin para sya iyong ibigin, kung ang tipo mo na sa kanya na.

Ngunit hindi ko alam kung bakit sya inaayawan
Ng mga lalakeng walang ginawa kundi mang-iwan
Matapos mong ligawan, iyong hihiwalayan
Kaya tuloy sya ngayon ay nasasaktan

Chorus #1:
Ano wala kay Marriane na meron sa kanya?
Bakit di mo gawing bebe magiging sa kanya
Ano pang gagawin para ang puso mo'y maangkin?
Wala na bang pag-asa na sya'y iyong mahalin..

Last Verse:
Nakita ko si Marriane, tumutulo ang mga luha nya
Dahil kay Mark na mahal na mahal nya
Ewan ko ba bakit ba ganyan, sinasaktan ang babaeng katulad nya
Hindi ko napigilan ang aking sarili, na yakapin sya.

Ngunit bakit ganito, ang aking nadarama kaibigan ko nga lang ba sya o mas malalim pa?
tumitibok ng mabilis ang puso ko, di ko na alam ang gagawin, o dyusko.
Tama na ang pagkukunwari, mahal ko sya bilang isang ka-ibigan hindi isang kaibigan..

Chorus #1:
Ano wala kay Marriane na meron sa kanya?
Bakit di mo gawing bebe magiging sa kanya
Ano pang gagawin para ang puso mo'y maangkin?
Wala na bang pag-asa na sya'y iyong mahalin..

Chorus #2:
Anong meron kay marriane nagustuhan ko sa kanya?
Hindi ko rin alam basta minamahal ko sya
Lahat gagawin para puso nya at maangkin
May pag-asa nga ba ako na ako kanyang mahalin.

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon