OS#6 - Akala Ko

1 0 0
                                    

"Akala ko"

Intro Chorus:

Akala ko ikaw na nga ang hinahanap ko
'Di mo naman pala ako mamahalin ng totoo
Niloko ako, pinaasa mo ako binigay ko lahat sa 'yo
Ba't sa huli ginago mo sinaktan mo pa ako.

Verse 1:

Akala ko, sa pagtibok ng puso ko
Matatagpuan ko ang pinakakaasam ko
Ngunit isang, kalokohan lang pala
Isang pagkakamali mo, isang talunan ka

Akala ko, isang pag-ibig 'to
katulad ng teleseryeng napapanood ko
Ngunit 'di pala, tulad ng iniisip ko
Iba ang realidad, kung totoong buhay na 'to

Chorus:
Akala ko ikaw na nga ang hinahanap ko
'Di mo naman pala ako mamahalin ng totoo
Niloko ako, pinaasa mo ako binigay ko lahat sa 'yo
Ba't sa huli ginago mo sinaktan mo pa ako.

Verse 2:

Akala ko, ikaw na talaga
Ang magpapasaya sa buhay kong nag-iisa
Akala ko, ikaw ang magpupuno
Ng kulang ngunit isang ilusyon lang pala ito

Akala ko, isang pag-ibig 'to
katulad ng mga libro na nababasa ko
Ngunit 'di pala, ilusyon lang pala 'to
Iba ang realidad, kung totoong buhay na 'to

(Repeat Chorus)

Outro

Akala ko ikaw na nga ang hinahanap ko.
Pero sabi ni tadhana, di ka magiging akin kahit anong gawin ko.

✅ OCOSAP Compilation: Poems and SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon