Sinong pipiliin ko?
I
Sinong pipillin ko?
Kung dalawa ang nasa puso ko
Sino ang matimbang sa kanilang dalawa?
Ba't ang puso ko ang hirap magpasya?
II
Siya ang nauna
Siya naman ang huli
Silang dalawa ang aking iniibig
Bakit ganito ang hirap mamili?
III
Hindi mahalaga kung sino ang nauna o nahuli
Ang mahalaga pareho ko silang pinili
Pero parang mali, kailangan mamili
Sino nga ba ang gusto kong makapiling hanggang huli?
IV
Tinanong ko ang iba, sino ba dapat piliin ko?
Sabi nila, ako lang makakasagot nito
Kailangan bang mamili pa ako?
Dahil matagal ko ng alam ang sagot dito.
V
Ano man ang sabihin nila
Basta mahal ko silang dalawa
Kapag ang puso nagmahal na
Walang kahit sinong makakapigil pa.
VI
Namuhay kaming masaya
At pawang walang problema
Wala na akong mahihiling pa
Dahil silang dalawa'y kapiling ko na.
BINABASA MO ANG
✅ OCOSAP Compilation: Poems and Songs
Poetry[Mark as Completed with Special Entries) OCOSAP Trilogy #1 - OCOSAP COMPILATIONS: Poems and Songs