Chapter 6: Another reason.

18K 244 42
                                    

*Chapter 6: Another reason.*

Jhaime's POV

Pagkatapos kong maglinis ng mga nabasag na pinggan, tinuloy ko na yung paghuhugas ng mga natirang hugasan tapos lumabas na ako ng kusina, pagkalabas ko nakita ko yung magkakapatid nasa sala, well except kay Flame, umalis nga ata yun. Sabay-sabay silang nanonood ng tv. Sila Emerald nakasandal kay Kuya Frans tapos kinukulit ni Kuya Frans yung dalawa. Sila Kuya Second naman kumakain habang nanonood. Nagsusubuan naman yung kambal na lalaki, sila EmEm.

Ang sweet nilang tignan. Nagkakasundo sila, walang away, walang kahit na ano sa pagitan nilang lahat. Diba maraming magkakapatid na hindi magkasundo sa iisang bagay? Lalo na kapag nasa tapat na ng tv, may nagtatalo, naghahabulan para makuha ung remote pero sila hindi mo makikita sa kanila lahat ng yun. Habang pinapanood ko sila, nakaramdam ako ng inggit na sana ganyan din kami ng mga kapatid ko, sana ganyan ko sila kasundo, sana may mga MAGULANG ako na katulad ng sa kanila kaso hindi kami katulad nila at hindi katulad ng magulang nila ang magulang ko.

Dahil sa panonood ko sa kanila, hindi ko namalayang may tumulong luha sa mga mata ko. Umiiyak na pala ako kaya tumakbo ako paakyat at papasok sa kwarto ko, guest room sya noon, ngayon ay kwarto ko na daw muna. Sumandal ako sa likod ng pintuan at doon umagos ang mga luha ko. Naalala ko ang mga memories nung bata pa ako at mga memories simula ng magka-isip ako. Mga memories na masasaya at mga memories na masama

Pagkatapos kong magdrama, humiga ako sa kama ko at tumingin lang sa kisame ng biglang magring ung phone ko. Kinuha ko yun sa side table tapos tinignan kung sino yung tumatawag. At bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pangalan ng tumatawag.

Calling......

Butler Alfonso

"Hello?"

(Good Evening, Ma'am Jhaime.)

"Good Evening, Butler Alfonso, bakit kayo napatawag?" kinakabahan kong tanong.

(Pinapauwi po kayo ni Sir William dito sa mansyon.)

Hindi ako agad nakasagot. Nakauwi na pala sya. Nakauwi na pala ang Tatay ko.

"Ganun po ba? Oh sige po pupunta ako bukas ng umaga." mahina kong sabi.

(Sige po, ingat po kayo.)

*toooot toooot*

Binaba ko na yung tawag. Umuwi na pala si Dad. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako at excited kasi nandito na ulit si Dad but at the same time, natatakot din ako sapwedeng mangyari sa pagpunta ko doon bukas. Hay! Umiling na lang ako at tumayo ako sa kama ko tapos pumuntang banyo, magsa-shower ako para makapagrelax.

Pagkatapos kong mag-shower, nagbihis na ako ng pantulog at nahiga sa kama. Tinawagan ko yung driver ko sabi ko sa kanya na pumunnta sya dito bukas at dalhin yung car ko kasi uuwi ako sa mansyon bukas. Binaba ko na yung tawag tapos lumabas ng kwarto ko. Magpapaalam muna ako kala First. Pagkababa ko sinalubong agad ako ni First tsaka ni Second

Meet the Number's Family *Editing!*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon