LESSON 29- Forgive Me For I Have Sinned

45.7K 1K 209
  • Dedicated kay Alyjhay Deleon Andres
                                    

DINALA si Bridgette ni Teacher Noah sa isa na namang silid. Lahat na yata ng paraan para makawala ay nagawa na ni Bridgette pero sadyang malakas si Teacher Noah. Marahas siya nitong inihiga sa isang mahabang mesa. At doon ay itinali siya.

"Pinaghandaan ko talaga ito Bridgette dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat!" at may kinuha pa itong bag.

Mula sa kadiliman ay lumitaw si Olivia. Kitang-kita niya kung paano ito sumanib kay Teacher Noah. Nagkikisay ito sa sahig at matapos ang ilang segundo ay bumangong muli si Teacher Noah. "Kumusta ka na Bridgette?" tila dalawang tao ang nagsasalita sa katawan ni Teacher Noah.

Ang pinagsalong boses ni Teacher Noah at Olivia!

"Pakawalan niyo ako dito mga hayop kayo!" galit na sigaw niya.

Tumawa lang ito. "Mamamatay ka muna bago ka makawala dito Bridgette!" boses ni Teacher Noah.

"Humanda kayo oras na makawala ako dito! Bitch!"

"Tumahimik ka! Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa niyo sa akin noon!" boses naman iyon ni Olivia.

"Hindi niyo alam kung anong pakiramdam ng nag-iisa, ng walang kakampi! Hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing pinamumukha niyo ang isang pagkakamaling nagawa ko! Masakit pagtawanan, masakit ang iwasan. Hindi mo alam ang ganoong pakiramdam Bridgette! Kaya hindi mo alam kung gaano iyon kasakit!"

"Nagkakamali ka! Alam kong lahat iyan! Buong buhay ko binabalewala ako sa bahay. Oo, sikat ako sa school pero pag-uwi ko, para akong basahang walang pumapansin!" aniya.

Tinawanan lang siya ni Teacher Noah. "Huli na ang lahat...Dahil ipapalasap ko na sa iyo ang impyerno mo!"

May kinuhang plastic si Teacher Noah sa bag na dala nito at inilagay ang laman noon sa palad nito. Mga thumbtacks!

"A-anong gagawin mo diyan?" Nahihintakutang tanong ni Bridgette habang unti-unti na papalapit sa kanya si Teacher Noah. "Tulong! Tulungan niyo akooo!!!" Malakas niyang sigaw.

Pagsigaw pa niya ay biglang isinalampak lahat ni Teacher Noah ang mga thumbtacks sa kanyang bibig. "Hmmp! Uhmmp!" aniya at pinagdiinan pa ni Teacher Noah ang kamay nito sa kanyang bibig para hindi niya mailuwa ang mga thumbtacks. Naramdaman niya ang pagtusok noon sa kanyang gilagid at maging sa kanyang dila.

"Tinanggalan niyo ng karapatang magsalita noon si Olivia, hindi ba? Hindi ba?!" gigil at galit na sigaw nito at doon lang nito tinanggal ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig.

Maluha-luha si Bridgette. Itinagilid niya ng bahagya ang ulo upang iluwa ang mga thumbtacks sa kanyang bibig. May kasama na rin iyong mga dugo. Napaubo pa siya dahil pakiramdam niya ay may nalunok pa siya na ilang piraso. "H-hayop kaaa! Wala kang kasing-sama!!!" mura pa ni Bridgette pero hindi siya nito sinagot.

May kinuha ulit ito sa bag na isang martilyo at walang sabi-sabi na pinukpok nito ang kanyang mga daliri.

"Ahhhhhrrrggggh!!! Tama na!!! Hayop kaaa!" sigaw ni Bridgette. Halos madurog ang kanyang hinlalaki sa ginawang iyon ni Teacher Noah.

Isa pang pukpok sa daliri niya at naramdaman ni Bridgette ang tuluyang pagkadurog ng daliri niya. Halos paos na siya kakasigaw.

"Para niyo na ring tinanggalan ng kamay si Olivia noon! Hindi siya pwedeng gumamit ng mga bagay na sa tingin niyo ay kayo ang nagmamay-ari!" ani pa ni Teacher Noah.

Biglang nagbago ang boses nito at naging boses na ni Olivia. "Wala akong kalaban-laban noon sa inyo. Ilang beses akong nakiusap...Ilang beses akong lumuhod at umiyak pero nanatili kayong bingi!!!" sabay kuha ni Teacher Noah ng ice pick at bigla nitong itinusok iyon sa kaliwang tenga ni Bridgette.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon