LESSON 4- Meeting New Friend

90.8K 1.5K 338
                                    

"OF COURSE naman! Dinig na dinig namin na may karelasyon si Teacher Noah at ang nakakashock is kapatid pa niya iyon!" Nanlalaki ang mga mata ni Thea habang nagkukwento ito kina Bridgette sa school tungkol sa nakita at narinig nila ni Charina na usapan nina Teacher Noah at ng isang may edad na babae. "And alam ko, nagsasama na sila!" Dugtong pa ni Thea.

Pinalo ni Charina si Thea. "Ay wala naman tayong nakinig na ganun ah!"

"Shunga ka talaga Charina. Syempre ganun na rin iyon. Baka nga lang hindi lang sila nagsasama eh. Worst eh, baka may anak na sila, diba?" Ganoon talaga magkwento si Thea ng mga tsismis. Karaniwan ay dagdag-bawas.

Napapalatak si Bridgette. "So, may dark secret pala si Teacher Noah na iyan. Tss. Akala mo kung sinong saint kapag nasa school. Iyon naman pala, pumapatol sa kanyang kapatid..."

"Pero sino naman kaya itong kapatid ni Teacher Noah?" singit ni Steven na boyfriend ni Bridgette.

Natahimik ang lahat sa tanong na iyon ni Steven. Tama ito. Sino ang kapatid na iyon ni Teacher? Kahit isa sa kanila ay walang ideya. Ni isa rin sa kanila ang nakakaalam ng bahay na tinutuluyan ng kanilang adviser.

Naantala ang pag-iisip ng grupo ng humahangos na dumating si Ford. "Andiyan na siya! Andiyan na si Olivia!"






WALANG-IMIK. Tahimik na pumasok sa classroom sina Olivia at Maika. Medyo nagulat pa ang dalawa ng mapansin nilang tahimik at maayos na nakaupo sa kani-kanilang upuan ang kanilang mga classmates. Akala mo ay may misa sa simbahan. Nakikiramdam ang dalawang magkaibigan. Nakayuko ngunit tinitignan nila ang bawat isa. Marahan lamang ang kanilang paglakad hanggang sa marating na nila ang kanilang upuan.

Eksaktong pagkaupo nilang dalawa ng biglang may sumigaw ng: "Fire!!!" Pagkasabi noon ay kanya-kanya nang bato ng mga kinuyumos na papel ang lahat ng mga kaklase nila kina Olivia at Maika.

Wala na lang nagawa ang dalawa kundi ang tanggapin ang mga papel na ibinabato sa kanila.






PAPALABAS na ng girl's CR si Maika ng harangin siya nina Thea, Charina at Emma sa paglabas niya ng cubicle. Bahagya siyang napaatras sa mga nakakalokong ngiti ng mga ito. "A-anong gagawin niyo sa akin?" May halong takot ang boses na tanong niya.

Biglang nahawi ang tatlo at pumasok si Bridgette. Naka-crossed-arms pa. "Hi Maika! Kumusta ka na?" Mataray ang mga ngiti na sumilay sa labi ni Bridgette. Nagulat na lamang si Maika ng bigla siyang itulak ni Bridgette papasok ng cubicle dahilan para mapaupo siya sa bowl sa loob noon. "Hawakan niyo siya!" Utos nito sa mga kasama nito.

Mabilis na sumunod ang tatlo. Hinawakan siya sa kamay at paa nina Thea, Charina at Emma habang nakaupo siya sa cubicle. "A-ano bang gagawin niyo sa akin?!" Tanong muli ni Maika.

"Wala naman...Lets say na...Sabit ka lang sa paglalaro namin. And because, you are with Olivia eh, damay ka na rin!" Sabay tawa. Hindi niya alam kung anong nakakatawa at tumatawa si Bridgette. Masaya ba ito sa ginagawa nito?

"Bitiwan niyo nga ako! Hindi pa ba kayo nagsasawa Bridgette? Ilang estudyante na ba ang pinagtripan niyo? Ilang estudyante na ba ang nagtransfer sa ibang school dahil sa pambubully niyo? At ngayon si Olivia naman?! Hindi pa ba kayo nagsasawa? Kailan ba kayo titigil!" Galit na sabi ni Maika.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon