LESSON 24- A Mother's Tears

43.1K 1K 212
                                    

MABILIS na nagsilabasan sa kubo ang lahat ng makarinig sila ng ugong ng sasakyan. "Dumating na iyong bus!" sigaw ng isa nilang classmates.

Dumungaw sa bintana si Bridgette. Tama, andun na nga ang bus. Agad din siyang lumabas ng kubo.

Lumabas na rin ng kubo pati na si Bridgette.

Paglabas niya ay nakita niya sina Emma, Steven at Charina na nag-uusap-usap. Napansin niya na tumigil ang mga ito sa pag-uusap ng makita ng mga ito na papalapit siya. "Oh, bakit tinigil niyo ang pag-uusap niyo. Obvious na obvious naman kayo na ako ang topic niyo. Sige lang, ituloy niyo lang. Wag na kayong mahiya sa akin!" sarcastic na sabi niya sa mga ito.

"Pwede ba Bridgette, ayaw namin ng gulo!" sabi ni Emma.

"Ayaw niyo ng gulo? Gusto ko kasi eh." pang-aasar pa niya.

"Stop acting like a child Bridgette!"

"Ikaw ang tumigil Steven! Kayong lahat!" Hinarap naman ni Bridgette si Charina. "And you! Don't tell me na kumakampi ka sa dalawang snake-skin na iyan!"

Nagkibit-balikat lang si Charina. "Majority wins Bridgette. Mag-isa ka lang, dalawa sila."

Naningkit ang mga mata niya. "Pagsisisihan niyong tatlo ang pagtraydor niyo sa akin. I swear to God!" at tumalikod na siya at iniwan ang mga ito.

Bago siya sumakay ng bus ay tinapunan niya ng matalim na tingin sina Emma. Humanda sa kanya ang mga ito dahil hindi pa sila tapos!

Sa pinakahuling upuan ng bus umupo si Bridgette habang lahat ng classmates niya kabilang na sina Emma ay mas piniling sa unahan pumwesto.

Pumanhik na rin sa bus si Teacher Noah. Kinausap nito ang driver ng bus. Ipinapaliwanag nito marahil ang nangyari doon. Matapos kausapin ni Teacher Noah iyong bus driver ay hinarap naman sila nito.

"Kumpleto na ba kayo?" tanong ni Teacher Noah habang isa-isang tinitignan lahat ng estudyante nito. Tumigil ang mata nito sa kanya. "Oh Bridgette, bakit nag-iisa ka diyan? Dito ka sa unahan para sama-sama na tayong lahat dito."

Inirapan lang niya ito at tumingin na lang siya sa labas ng bintana.

Hanggang sa umandar na ang bus.






PINAGMAMASDAN lang ni Olivia ang papaalis na bus habang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala ka bang gagawin Olivia? Papaalis na sila!" untag sa kanya ni Ruvina.

"Hayaan mo sila. Hindi ko na kailangang kumilos. Paglalaruan ko na lang sila sa aking mga kamay!" Makahulugan niyang turan.






MATALIM ang tingin ni Bridgette sa mga classmates niya lalo na kina Steven, Emma at Charina na nasa unahang upuan ng bus. Nag-uusap-usap na naman ang mga ito pero hindi niya marinig dahil malayo siya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na iniwan na siya ng kanyang itinuring na mga kaibigan. Ganito kaya ang naramdaman ni Olivia ng takutin nila noon si Maika na layuan si Olivia?

Kitang-kita niya kung paano humilig si Emma sa balikat ni Steven. Pakiramdam niya ay unti-unting dinudurog ang kanyang puso. Marahil ay ganito rin ang naramdaman ni Olivia noong pinaglaruan nila ito sa pamamagitan ni Steven.

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon