LESSON 11- When Everything Falls Apart

54.4K 1K 440
                                    

HINDI matinag si Olivia sa kakaiyak habang dahan-dahan na inilalagay sa stretcher ang wala ng buhay na katawan ng kanyang kaibigan na si Maika.

"Maika!" Tawag niya kahit alam niyang hindi na ito sasagot.

Maraming estudyante ang nakapalibot sa lugar na pinangyarihan ng karumal-dumal na pangyayari. Nakita niyang nagtatawanan ang grupo nina Bridgette. Parang natutuwa pa ito sa nangyari kay Maika. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos-maisip ni Olivia kung bakit nagawang magpakamatay ni Maika. O kung nagpakamatay nga itong talaga.

"Maika!" At nakipagsiksikan talaga siya sa mga bumubuhat sa stretcher na kinalalagyan ng kaibigan.

Pinigilan siya ng isang pulis. "Miss, lumayo na lang kayo ng maging mabilis ang pagdadala sa punerarya ng biktima!" Napagalitan pa siya.

Wala na siyang nagawa kundi ang pagmasdan ang papalayong ambulansiyang kinalululanan ni Maika. Pagkaalis ng ambulansiya ay kanya-kanya nang alisan ang mga estudyanteng nakiusyoso lamang. Kanya-kanyang teorya sa pangyayaring naganap.

Nadaanan ni Olivia sa corridor ang grupo nina Bridgette na nagkukwentuhan. Napatigil siya sa paglalakad nang malamang si Maika ang topic ng mga ito.

"Grabe ano? Bakit kaya tumalon si Maika from the rooftop? Baka naman akala niya ibon siya...Ayan, hindi tuloy bumukas pakpak niya. Lagapak!" Narinig niyang sabi ni Charina na ikinatawa ng mga ito.

"Or maybe, hindi na niya masikmura na minsan ay naging kaibigan niya ang isang dirty girl...Tulad ng isa diyan!" Pagpaparinig sa kanya ni Bridgette. Tumingin sa kanya si Bridgette at nag gulat-gulatan pa ito ng makita siya. "Ay! Andiyan ka pala Olivia. Uy, wag kang masasaktan ha...Hindi naman ikaw ang sinasabi kong dirty. Hahaha!"

Tinignan niya ito ng masama. "Hindi pa ba kayo masaya? Patay na si Maika!" Galit na sigaw niya sa mga ito. "Ang akala niyo siguro hindi ko alam ang ginawa niyong pananakot sa kanya kaya niya ako nilayuan?!"

Lumapit sa kanya si Emma at malakas siyang sinampal. "Ang lakas ng loob mo ah! Matapang kana ngayon?

Sinundan pa iyon ng pagtulak ni Bridgette. Natumba siya at bumagsak siya sa basurahan. Sumabog ang laman noon at ang ibang basura ay tumapon sa kanyang damit. Tuwang-tuwa ang grupo ni Bridgette. Humulagpos nang tuluyan ang emosyon niya. "Napakasama niyo...Huhuhu!" Umiiyak na sabi niya. "Ano bang naging kasalanan ko sa inyo?!"

"Nakakatawa ka talaga Olivia!" Hirit pa ni Bridgette.

Tumalikod na ang mga ito. Nakita niyang nasa tabi niya si Yoseif. Nakangisi ito. Napailing siya ng damputin nito ang basurahan at ibinato iyon kay Bridgette. Sapol na sapol ito sa batok.

"Bitchhh!!!" Gigil na sigaw ni Brisgette. Nanlilisik ang mga mata na lumapit ito sa kanya. Sinabunutan siya nito. "Ang lakas na talaga ng loob mo scandal-girl ka! How could you!"

Hindi pa sana maaawat si Bridgette kundi pa dumating si Teacher Noah. Inawat sila nito. "Ano na naman ito Bridgette, ha?"

"Bakit ako ang parang pinapagalitan niyo Teacher Noah? Iyang scandal-girl na iyan ang sisihin niyo!" Humihingal na sumbong ni Bridgette.

Tinignan siya ng kanilang guro. "Olivia, ano na naman ba talaga ang totoong nanyari?"

"Teacher Noah, pinagtatawanan--"

Hindi na naipagpatuloy ni Olivia ang pagsasalita dahil biglang umiyak na lamang si Bridgette. "Teacher, nananahimik po kami dito ng bigla na lang akong batuhin ng basurahan ni Olivia! Hindi na po namin maintindihan si Olivia. Kung anu-ano na lang po ang ginagawa niya..."

School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon