LESSON 6- The Suspension

73.1K 1.3K 247
                                    

"OH MY GOD! Bridgette! My daughter! What happen to you?!" Maarteng turan ni Mrs. Luviera, ang mapagmataas na ina ni Bridgette. Nasa guidance room sila. Si Olivia, Bridgette, Teacher Noah, si Mrs. Luviera at ang guidance counselor na si Mrs. De Leon. At kasama na rin ang mga classmates nila na mga nakasilip sa bintana.

Nakatulala lang si Bridgette. Parang walang nakikita. May takot sa mata nito. Nanginginig na akala mo ay may kinakatakutan.

"Ipagpaumanhin niyo po Mrs. Luviera. Hindi po namin kagustuhan ang nangyari kay Bridgette." Paghingi ng paumanhin ni Teacher Noah.

"Paumanhin?" Nakataas ang kilay na singhal ni Mrs. Luviera. "Kailangang managot ang kung sino man ang may kagagawan nito sa aking Bridgette!"

Biglang itinaas ni Bridgette ang daliri nito at itinuro si Olivia. Nanlaki ang mga mata niya. "S-siya...M-may...G-gawa..." Putol-putol na nagsalita ito.

"B-bridgette!" Naibulalas ni Olivia. Tumingin siya kay Teacher Noah. "Teacher, hindi po ako!"

Tinignan siya ni Teacher Noah na may disappointment sa mga mata nito. "Teacher, wala po akong kasala- "

Hindi na niya naipagpatuloy ng bigla siyang sabunutan ni Mrs. Luviera. "Ingrata kang bata ka! Mal-edukada!"

"Mrs. Luviera! Calm down!" Magkapanabay na umawat si Teacher Noah at Mrs. De Leon.

Doon na dumating ang nanay ni Olivia. Humahangos na itinulak nito palayo ang babaeng nananakit sa anak nito. Niyakap siya ng kanyang inay. Doon na siya napaiyak. Humagulhol si Olivia sa dibdib nito. "Bakit niyo sinasaktan ang anak ko?"

"Umayos muna tayo. Pag-usapan natin ito ng mahinahon, OK?" singit ni Mrs. De Leon.

"Ayoko nang magtagal pa dito! Gusto kong parusahan ang walanghiyang babaeng iyan na gumawa sa Bridgette ko!"

Nakatulala pa rin si Bridgette. Umiiyak pa rin siya.

"Olivia...Ikwento mo nga sa amin what really happens sa roof top at naabutang nakatulala ng mga classmates niyo si Bridgette. Maaari ba?" ani Mrs. De Leon.

Sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi ay nagsalita si Olivia. "Tinakot po ni R-ruvina si Bridgette..."

"R-ruvina?"

"M-multo po s-siya..."

"Hah! This is insane. Tama na. Marami akong important appointments today at ayokong ma-cancell isa man dun. Gusto kong maparusahan ang Olivia na iyan!" sabay duro sa kanya. Pinagduldulan ni Mrs. Luviera ang daliri nito sa noo niya. "Kilala niyo ako Mrs. De Leon...Kaya kong ipasara ang eskwelahang ito." Nananakot ang boses nito.

Namutla si Mrs. De Leon. "Wag naman po Mrs. Luviera. Hayaan niyo po...Bibigyan ko po ng one-week suspension si Olivia!"






"MRS. DE LEON, hindi po kaya nagsasabi ng totoo si Olivia?" turan ni Teacher Noah ng sila na lang ang matira sa guidance room.

Napatingin ito sa kanya. "Ganoon na nga rin ang aking sapantaha. Mukhang nagbabalik nang muli si Ruvina. Matagal na rin siyang hindi nagpaparamdam. Natatakot ako para sa mga estudyante natin."

Tumango siya. "Sana lang ay huling pagpaparamdam na iyon ni Ruvina kung totoo man na siya ang may kagagawan ng pagkakaganun ni Bridgette...


School TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon