Chapter 31 - Nagbalik.

24.5K 715 86
                                    

#KAQwp
Chapter 31


Inasar lang ako ng inasar ni King habang nasa byahe kami. "Wait." Pagpigil ko sakanya nang mapadaan kami sa Hypermarket. "Maggrocery narin pala tayo. Konti nalang stocks mo sa unit mo diba?" Sabi ko sakanya nang maalala ko nung last na punta ko ay paubos na ang stock ng grocery niya.


Tumango siya at kumaliwa para makapagpark kami sa parking lot ng grocery. Nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto.


Habang naglalakad kami papasok ay pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko. I looked up to him, only to find his not so happy aura.


"May problema ba?" I asked him, curious. Kanina lang ay okay naman siya eh. "What's with the sudden mood swings?"


Tumingin siya sakin at umiling. "Well apparently, some guys, are checking my girlfriend out." Inis na sabi niya at tinignan ang iilang lalaki na naglalakad palabas.


Hindi ko napigilan ang pigil kong tawa. "Seriously?" Di makapaniwalang sabi ko at hinila siya papasok. "We're together for five long years, hanggang ngayon seloso ka parin?" Natatawang tanong ko.


I guess some things haven't changed. Just like how possessive he is. Kung gaano siya kapossessive noon, ay ganun parin ngayon.


"Im not jealous, Reyna ko." Sabi niya at mas hinapit ang bewang ko palapit sakanya. "Im just letting them know that the girl they're checking out is mine."


I rolled my eyes heavenwards. "Sabi mo eh, Hari ko." I said emphasizing the Hari ko part. Sumimangot lang siya lalo at kumuha na ng push cart namin.


Nauna kami sa personal hygiene area, kumuha ako ng head and shoulders na panlalaki at nilagay yun sa cart. "Kumuha na tayo ng shampoo, just in case. Last month pa yung huling bili natin ng shampoo mo eh." Sabi ko at dumampot ng Belo Men na sabon. "And this one too."


Tumango siya at nagpatuloy sa pagtulak ng cart. Hinayaan niya akong maglagay ng mga bagay sa cart. Well, alam ko naman yung mga kailangan niya so, yeah. "By the way, Erika called me earlier. She said, she tried calling you but you're not answering. Nagiinvite sa runway event niya next week." Aniya.


Tumango ako kay King. Kaya pala may ilang missed calls siya kanina. Hindi ko lang nasagot dahil nasa meeting ako nun. "Nasa meeting ako nun. I forgot to call her back. But yeah, sure. Kailan daw? So I can clear my sched."


Sobrang naging malapit na kami ni Erika over the years. Going strong din sila ni Kuya DK. Though, madalas awayin ni Erika si Kuya DK, ay nagkakaayos din naman sila agad. You know petty fights.


Dumampot ako ng ilang canned goods. "May corned beef ka pa ba?" I asked him. Umiling siya kaya kumuha din ako nun. Hindi ako kumuha ng sardinas dahil hindi kumakain nun si King. He's allergic to sardines.


Dumeretso kami sa fresh meats para bumili ng pwedeng maluto. "Wednesday daw." Sabi naman ni King at tinuro ang pork belly. "Two kilos." Aniya sa lalaking nandoon.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon