Chapter 9 - Nagiinom.

31.5K 808 120
                                    

#KAQwp

Chapter 9

 

Umirap ako at walang nagawa kundi magmartsa pabalik sa sasakyan niya. Mabilis niya akong nahabol kaya naman nagawa niya pa akong pagbuksan ng pinto.

Pagpasok niya sa driver's seat ay agad din siyang nagmaneho. I didnt bother looking at him. Alam ko namang alam niya yung daan papunta sa bahay namin dahil nasundo na niya ako doon last Saturday.

Tahimik siyang nagmamaneho pero maya't maya din ang pagbuntong hininga niya. I shook my head and kept my gaze outside the window.

I was half expecting that he would at least apologize for what he did. Kahit yung simpleng magic word lang sana pero wala. Bumuntong hininga ulit siya at pinark sa isang restaurant ang sasakyan niya.

"You think sasama pa ako sayong kumain after what happened?" I shook my head unbelievably.

"We have to talk. And I cant talk to you knowing you only ate sandwich for lunch. So pwede, kumain ka muna. Then we will talk." Sabi niya nang nakaharap sa kalsada. Hindi man lang ako magawang lingunin.

Nanliit ang mata ko. "You dont get to decide kung anong dapat kong gawin bago tayo magusap. As far as Im concerned, ikaw ang may atraso but you sound like ako pa ang -"

Napaigtad ako ng hampasin niya yung manibela ng malakas. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa ginawa niya at hindi ko maialis ang tingin ko sakanya. "Im sorry, alright? I didnt know it would be such a big deal to you. I was just trying to lighten up the mood but you took it seriously and you left. I havent had a good sleep since then. I cant forget the look -"

Agad ko siyang pinutol nang buksan ko yung pinto ng sasakyan niya. May nagsosorry bang galit? The hell?!

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo. Umamo ang mukha niya kaysa kanina na parang mananapak nalang siya bigla. "Im sorry." Mahinang sabi niya.

Kumalma ako dahil sa sinabi niya kaya sinarado ko ulit ang pinto ng sasakyan niya. Bumitaw siya sa kamay ko at tsaka ako tinignan ng mabuti. "Lets eat first, okay?" Sabi niya.

Wala akong nagawa kundi tumango. Nagugutom narin naman ako eh. Dahil katulad nga ng sabi niya, sandwich lang ang kinain ko kaninang lunch. Pakiramdam ko kasi wala akong gana.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad kaming pinagtinginan pagpasok namin sa resto. We're both wearing our high school uniform. Siguro ay iniisip ng mga kumakain na ang harot harot namin dahil high school palang kami at para kaming nagdadate.

Well, parang lang naman. And I dont care, really. As long as hindi malaman ni Daddy na may kasama akong lalaki sa isang resto ay okay lang sakin.

Si King na ang umorder para samin. Marami siyang binanggit na dish so I assume he's back on his food issues with me. For sure ay papakainin niya na naman ako ng madami.

Sumandal siya sa upuan at mataman akong tinignan. Hindi naman ako nagiwas ng tingin. Why would I? Siya ang may atraso dito kaya hindi ako matatakot sa mga tingin niya.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon