Chapter 4 - Nagasaran.

35.4K 934 80
                                    

#KAQwp

Chapter 4

 

Nang iabot sakin yung order kong lunch ay nagulat ako ng agawin yun bigla ni King. Nilagay niya yun sa tray niya at nagumpisa nang maglakad papunta sa lamesa namin.

Oo, magkasama kami sa table ni King, together with Belle, Ryan, Shann and Gelay. Anila ay dahil magkakaibigan naman daw sila Shann, Ryan at King so dapat ay magsabay sabay nalang kami pag breaktime.

Tinignan ko siya ng ilapag niya yung pagkain ko sa lamesa. "You dont really have to do this, you know. Im fine. Kaya ko naman siguro bitbitin yang pagkain ko." Sabi ko sakanya.

Totoo naman kasi. Kaya ko naman bitbitin yung pagkain ko. Its not as if ilang kilo yun. Isang plato lang naman yun.

Umiling siya at umupo sa upuan niya. "You're welcome." Malamig pero may halong sarcasm na sabi niya at nagumpisa nang kumain.

Magkatapat kami ni King. Habang nasa tabi ko naman si Belle at nasa harap niya si Ryan. Sa dalawang bakanteng upuan ay sila Shann at Gelay na bumibili pa ng pagkain.

Napanguso ako at umupo narin sa upuan ko. "Thanks." Sabi ko nalang dahil nakakahiya naman sa pagsabi niya ng 'Youre welcome'.

Maya maya pa ay dumating na si Shann at si Gelay. "Alam mo nakakapanibago talaga tong si King." Sabi ni Shann paglapag niya ng pagkain nila ni Gelay.

Tumango si Gelay. "Oo nga. For the first time ay pumayag na siyang maging officer. At escort pa ha. Bakit kaya?" Sabi ni Gelay at sumubo na ng pagkain niya.

Kanina pa pinaguusapan nila Gelay at Shann kung bakit daw pumayag si King. Sabi nila netong mga nakaraang taon daw lagi siyang ineelect pero umaayaw siya. Ngayon daw ay nagulat sila nang tanggapin niya ang pagiging escort.

I kept my focus on my food. Narinig ko ang tawa ni Ryan kaya nagangat ako ng tingin sakanya. Nakatitig siya sakin ng mabuti. "Mukhang alam ko na kung bakit siya pumayag." Nangaasar na sabi niya.

Napakunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin. Anong ibig niyang sabihin?

Siniko siya ni King sa bandang tyan kaya naman napadaing siya. "Shit naman King!" Aniya at napahawak sa tyan niya. "Hindi ko naman sasabihin na dahil partner mo si Queen kaya ka pumayag eh. Bwisit. Ang sakit ah!" Ani Ryan.

Nabulunan ako dahil sinabi ni Ryan. Ako? Ako ang dahilan kung bakit siya pumayag maging escort? Dahil ako ang muse? Joke ba yun?!

Agad naman akong inabutan ni King ng tubig. Agad ko yun na kinuha dahil nahihirapan na akong huminga. Nakita kong binatukan ni King si Ry. "Kung ano ano pinagsasasabi mo, Ry. High ka ba?" Aniya.

Sumimangot lang ako at binato ng tissue si Ryan. "Tigilan mo ko Santos!" Inis na sabi ko.

Inulan kami ng asaran dahil sa pagiging muse at escort namin. Ayaw ko sana kanina pero nang magsasalita na ako para umayaw ay agad akong hinila ni King pabalik sa upuan ko kaya hindi na ako nakapagsalita.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon