Chapter 21 - Nanikip.

28.9K 821 73
                                    

#KAQwp
Chapter 21


Niyakap ko si Baby Royal. Siya yung blue giant teddy bear na bigay ni King sakin kanina. We named it Royal, actually I named it Royal. Gusto niya kasing pagsamahin ang pangalan naming dalawa at yun ang ipangalan sa bear.


Naisip ko, ang sagwa pakinggan pag pinagsama ang pangalan namin. And then I thought, King siya at Queen naman daw ako, so parang Royalties nadin ang dating namin. So I came up with Royal. Cute naman kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag.


Kanina nang ibigay niya sakin ang malaking teddy bear ay agad niya din akong hinila para kumain. Hindi na ako umangal, I was hungry and I felt guilty at the same time. Nagalit pa ako sakanya, eh para sa akin naman pala kaya siya naglalaro kanina.


We spent the day at the mall. After kumain ay nagyaya siyang manuod ng sine tapos ay hinayaan niya din akong magshopping. He was holding Baby Royal the entire time though, kaya naman malaya akong nakapamili.


Nang mag-gagabi na ay umalis narin kami agad dahil binigyan pala siya ng curfew ni Daddy. I guess this day's not as bad as I thought it would be.


Nagenjoy naman akong kasama si King. He wasnt the usual King na palaging nagsusungit. Pero ay hindi rin siya sobrang sweet. Thats fine with me though. I was expecting a holding hands or anything, yung parang sa movies at sa mga nababasa ko, pero naisip ko, mas okay pala na wala munang ganun.


Patulog na sana ako ng magring ang phone ko. I lazily picked it up and answered the call. "Hello?" Sabi ko. I have no idea kung sino iyon, antok na antok na ko kaya hindi ko na magawang buksan ang mata ko para tignan ang tumatawag. Kulang na kulang nga pala ang tulog ko kagabi.


"Gising ka pa?" Narinig ko ang boses ni King sa kabilang linya.


"Tulog na ko. Kaya nga nakakausap mo ako eh." I said sarcastically. Kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Malamang gising ako! Kausap niya nga ako diba. Goodness!


He sighed. "Matulog ka na. Its late." Aniya. Hindi ako nagsalita, makakatulog naman na sana ako kung hindi lang siya tumawag. Damn. Istorbo.


Mukhang napansin niya atang wala akong balak magsalita kaya nagsalita ulit siya. "Goodnight, my Queen." Huling sabi niya bago niya ibaba ang tawag. And with that, I drifted off to dreamland, with a small smile on my face.


The next morning, I woke up earlier than the usual. Nagpasya akong magpahatid nalang kay Manong kaysa magpasundo sa kambal. Gusto ko kasing dumaan muna sa Starbucks para magkape.


Nang makarating kami sa Starbucks ay sinabi kong pwede nang umuwi si Manong. I can walk from here. Sa kabilang kanto lang naman ang school namin mula dito.


"Sigurado ho kayo Mam? Baka ho mapagalitan ako ng Daddy niyo." Ani Manong.


I smiled and nodded. "Malapit nalang naman to Manong. Magstay lang po ako saglit tapos papasok nadin ako." Sabi ko. He kept on insisting that he'd wait for me but in the end, ako parin ang nanalo kaya umuwi na si Manong.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon