Chapter 14 - Nangiwan.

30K 868 93
                                    

#KAQwp

Chapter 14

 

"Classmate? Sinong classmate? Bakit mo dinala dito yan at bakit basang basa siya?" Sunod sunod ang tanong ni Daddy kaya naman hinampas siya ni Mommy sa braso.

"Ano ka ba, Angelo. Obvious naman na naulanan yung bata. Tulungan mo kaya yung anak mo at iakyat niyo yung classmate niya sa guest room." Sabi ni Mommy kaya no choice si Daddy kundi tulungan akong iakyat si King sa guest room.

Thank God for my Mom kundi ay baka hanggang ngayon ay bigat na bigat parin ako sa pagalalay kay King. Paghiga namin kay King sa kama ay agad siyang nanginig at niyakap niya yung sarili niya.

Pumunta ako sa aircon at hininaan ko yun para hindi lamigin si King. Pagbalik ko sa kama ay deretso ang tingin ni Daddy sakin. "Magusap tayo." Seryosong sabi niya.

"Dad. Uhm, pwede bang palitan muna natin siya ng damit? Basang basa siya. Baka lalo siyang magkasakit." Sabi ko at nginuso si King na nakapikit at nanginginig sa kama.

Tumango si Mommy at hinila si Daddy sa braso para itulak palabas. "Kumuha ka ng pajama mo at tshirt para maipahiram sa bata." Ani Mommy.

Nakasimangot na bumalik si Daddy hawak ang isang gray pajama at white tshirt. Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Uh. Paano po ba ito?" Tanong ko kung paano papalitan ng damit si King.

Umiling si Daddy. "Lumabas muna kayo. Ako na gagawa dyan. Baka sa iba pa mapunta yan." Sabi niya at pinalabas kami ni Mommy.

Ngumiti naman si Mommy pagsarado ng pinto. "Ang OA ng Daddy mo." Natatawang sabi niya.

Tumango ako at nakitawa. "Dad will always be dad." Sabi ko kay Mommy.

"Siya si King? Diba?" Nagulat ako sa tanong ni Mommy.

Ngumuso ako at tumango. There's no point in lying. Nandito na siya sa bahay at for sure ay uusisain siya ni Daddy pagkagising niya.

"Gwapo. He reminds me so much of your Dad. Is he your boyfriend?" Sabi ni Mommy.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Mommy. Umiling ako. "Hindi po. Classmate ko lang talaga siya."

Ngumisi siya at tumango na para bang nangaasar. "Mom! Believe me!" Pangungumbinsi ko sakanya.

Tumawa siya. "Oo na. Oo na." Sabi niya at niyaya akong bumaba para maipagluto niya daw ng soup si King. Pero nagprisinta ako na ako nalang dahil alam ko naman magluto.

Kinuha ko lahat ng kailangan ko para sa mushroom soup ni King. Pag nilalagnat kasi ako ay eto ang paborito kong kainin kaya eto nalang ang iluluto ko para kay King.

Habang nagluluto ako ay saktong bumaba si Daddy. "Explain, young lady." Sabi niya at tumabi kay Mommy sa kitchen counter.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon