Chapter 2 - Natamaan.

37.8K 1K 127
                                    

#KAQwp

Chapter 2

 

"This seat is mine." Medyo husky ang boses niya pero ramdam ko ang lamig ng pagkakasabi niya. Derederetso siyang umupo nang hindi man lang ako binalingan ng tingin after nun.

Napanganga ako sa sinabi niya pero agad ko ring tinikom ang bibig ko. Nakita ko sa tabi ko si Belle na nakatayo din dahil may umupo din sa upuan niya na maputing lalaki pero unlike me, mukhang hindi siya badtrip. Nakatitig lang siya sa lalaking umupo sa upuan ko.

"Excuse me. Nauna ako sa upuan na yan." Sabi ko at nilagay ang dalawang kamay ko sa desk. "Wala namang pangalan tong upuan ah. Paanong naging sayo?" Mataray na sabi ko.

Bahagyang natahimik ang classroom pero hindi na ko nagabalang tumingin sa paligid. Badtrip ako, wag niyo akong subukan.

Nagangat siya ng tingin sakin at tinitigan niya ako ng mabuti. "Nauna ako sa upuan na yan." Paguulit ko sa sinabi ko kanina pero mas may diin ang bawat salita ngayon.

"Kalalaki mong tao. Nakita mo na nga na uupo yung babae tapos hihilahin mo yung upuan? Di mo ba alam na nasaktan ako?!" Naiinis ko sabi dahil hindi siya nagsalita at nanatili ang tingin niya sa mata ko.

Akala ba niya masisindak ako porket gwapo siya? No way! Im Queen Stefany Montefalco. At wala akong kinatatakutan. Kahit gwapo pa yan.

Nagulat ako ng lumapit si Belle sa tabi ko at nagabot ng papel at ballpen doon sa lalaki. "Pa-autograph King." Aniya at agad na nanlaki ang mata ko.

"What the?! Belle?!" I hissed at her. Pa-autograph?! Seriously? At King pa? Bakit hari ba to dito?

Hindi man lang binalingan ng tingin netong 'King' na to si Belle. Nanatili ang tingin niya sakin bago siya tumayo at lumipat sa pinakalikod.

Sumunod sakanya yung lalaking maputi na sa tingin ko ay kaibigan niya habang nakangisi ito. "First time." Narinig ko pang sabi nito doon sa 'King'.

Pagupo ko ay ramdam ko parin yung sakit ng balakang ko kaya napahawak ako dito. "Ang sakit talaga. Leche." Sabi ko.

"Steffie! Oh my god! Si King yun! Si King! Shet!" Sabi ni Belle sa tabi ko at pinatong ang baba sa desk ko habang nagttwinkle ang mata.

Nagtaas ako ng kilay. "At sino naman siya? Bakit kilala mo siya eh kakalipat lang natin?" Tanong ko sakanya. Not that Im interested pero kung makaarte naman kasi tong bestfriend ko parang sikat na sikat lang tong 'King' na to.

"Lawrence King Stratford." Narinig kong sabi ng babae sa gilid ko. Ngumiti siya ng malawak at nagabot ng kamay. "Geraldine May Manansala. Gelay for short." Masiglang sabi niya.

So King pala talaga ang pangalan niya. Huh. Pero hindi ibig sabihin nun pwede na siyang maghari-harian.

"Steffie." Simpleng sabi ko ngunit hindi ko inabot ang kamay ko. Im just not very friendly, thats all.

King and QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon