Prologue

1.9K 36 15
                                    

PROLOGUE

Bakit nga ba I’m married to an all in one guy? Mukhang coffee ba ang napangasawa ko? Ano ‘to? Kopiko 3 in 1 lang ang peg? Bakit nga ba ‘All in One?’ Eh, ganito kasi ‘yun, para mas maintindihan niyo ay ililista ko na lang.

Unang una, ang SAMA-SAMA NG UGALI niya sa akin! Aba’y wala naman akong ginagawa para ma-pissed off siya o na-ikakagalit niya pero ganun talaga ang buhay parang life! Naiinggit siguro sa kagandahan kong makalaglag panty.’ Yung ‘bang ipapaabot mo lang ‘yung cellphone mo kasi malapit lang sa kaniya tapos ang isasagot sayo “Wala ka bang kamay?” Aba’y gago siya!

Pangalawa, ang pagiging MANYAK niya! Sino ba ang masisiyahan kung pati sa harap ng hapag kainan ay puros kabastusan ang pinagsasabi? Ugghh! Napollute tuloy ang innocent mind ko!

Pangatlo, ang pagiging MABAIT niya minsan! Minsan lang ha! Wag mamalik-mata! MINSAN lang. Magugulat ka na lang na binibigyan ka na pala ng pagkain. Bait bait naman. Hmph! If I know, peke peke niya lang ‘yun. Baka nga may lason pa ‘yung bigay niya.

Pang-apat, MADAMOT siya masyado! Naalala ko noon, kumakain siya ng ice cream sa sala. Sabi ko sa kaniya na matikim lang as in kahit kaunti lang. Alam niyo ba ang ginawa niya? Dinilaan ba naman ang buong ice cream?! Nice. Hindi na tuloy ako nakahingi dahil puno na ng laway niya!

Pang-lima, WALANG PAKIALAM SA BUHAY! Hindi naman sa pabaya siya pero ‘yung ‘bang wala siyang pakialam sa surroundings niya? For short, deadma!

Pang-anim. ang pagiging CHILDISH niya minsan! Who would have thought na matatalo niya pa ang isang bata sa pagiging childish niya? Maganda talagang sipain sa mukha at lunurin sa mga halik ko. Joke lang! Eww.

Pang-pito, ang pagiging----TEKA NGA! Matatagalan ako dito kapag iisa-isahain ko pa ang ugali niya. Baka nga mag-iisang dekada na hindi ko pa natatapos ang pag-lilista kaya just go with the flow na lang! Sa mga susunod na kabanata ng buhay ko ay masasaksihan niyo naman kung anong mga kamalasan ang dadating because I’m married to an all in one guy.

 __________________________________

 Hi people of watty! I edited the original kasi parang sobrang jeje ko pa noon. Hahaha! Hindi ko alam kung paano niyo nakayanan na basahin ang story ko na puno ng wrong grammar, wrong spelling, at yung mga spaces na sobrang laki. Hindi ko kinaya nung binasa ko ulit yung story dahil sa sobrang basta! Haha.  Hindi ko naman babaguhin yung story siguro aayusin ko lang dahil magulo siya. Don’t forget to comment para malaman ko kung ano ang nasa isip niyo habang binabasa ‘to! :)

VOTE-COMMENT-FAN

 All Rights Reserved

~KP~

Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Where stories live. Discover now