Chappy 9

18 1 0
                                    

"So, I guess nandito na kayong lahat sa lobby. Pwede ko nang simulan ang maigsing orientation dahil nadelay na tayo ng sampung minuto sa paghintay lang sa mga feeling VIP niyong kaklase," pagpaparinig ng walang hiyang adviser ng retreat na 'to. Nako kung hindi lang talaga to retreat, kanina ko pa sinagot 'tong babaeng 'to.


"There are 36 of you here, 18 females and 18 males as well, so I task you to group yourselves into three. Your chosen friends will be your roommates for the entire 3 days of the retreat. I am holding the schedule for this retreat and this will be strictly followed for those 3 days. I will be posting it here on this bulletin board and you can check it out after I leave. But before I do that, pick a representative to get you room keys from me," anunsyo ni madam senyora. Siya 'yung adviser kapag nagreretreat ang mga seniors. 


As usual magkasama kami ni Meg at kasama rin namin ang isang namin kaklase na si Evangel. Masyadong makaanghel ang name ni friend ah. Nice. Kinuha na ni Meg ang susi mula doon kay madam senyora at nagtungo kami sa may bulletin board para makita yung schedule.


                               RETREAT SCHEDULE FOR THREE DAYS AND THREE NIGHTS

7:00 AM-8:00 AM           Breakfast at the Dining Hall

8:30 AM-9:30 PM          Session with Father Karrell

9:30 AM-10:00 AM        Snacks at the Dining Hall

10:00 AM-12:00 NN     Continuation of the Session

12:00 NN-1:00 PM        Lunch time at the Dining Hall

1:30 PM- 2:30 PM         Session with Sister Teresa

2:30 PM-3:00 PM          Snacks at the Dining Hall

3:00 PM-5:30 PM          Continuation of the Session

                END OF SESSIONS FOR THE DAY

7:00 PM-8:00 PM           Dinner at the Dining Hall

9:00 PM- Lights Off

"Grabe, sana araw araw nalang retreat noh kasi puro breakfast, lunch, dinner at snacks ang nakikita ko sa listahan," todo ngiting saad ni Evangel. 

Isa pa 'tong babaeng 'to katulad din pala namin! 'Yun din lang kasi ang nakikita ko sa schedule! HAHAHA.

"Infairness ha, may oras talaga sa retreat na 'to," tumatangong pagsang-ayon ni Meg habang nakaharap sa bulletin board.

"Malamang, schedule nga diba dapat may time at planned activities," pagbabara ko kay Meg at nauna na dalhin ang maleta ko taas kung saan ang mga rooms namin nakaassign. Actually chineck na nila ang mga bagahe namin bago kami umalis kanina kung may mga dala ba kaming ipinagbabawal na bagay.

Pagkabukas ko ng kwartong kung saan na assign kami ay malaki laki naman siya. Tamang tama lang sa amin at may tatlong kama na nakaposition sa bawat sulok ng kwarto. May dalawang cr na rin, yung isa may bowl at yung isa naman shower lang tsaka sink ang nasa loob.

Naeexcite din ako sa retreat na 'to kasi parang nagouting lang din kami! Hahaha! Nandito kami sa isang lugar kung saan usually naheheld yung retreat ng school namin. Malayo siya, infairness, inabot kami ng isang oras na travel. 2 minutes nalang at mag-9 am na.

YES! Malapit na 9:30. It's snacks time!

After namin nagpalit sa mas komportableng damit ay bumaba na kami sa dining hall para makatikim ng masasarap na snacks. At viola! May spaghetti at egg pie na nakahanda! Spaghetti for snacks? Nako patok to sa taste ko.

Malapit na rin namin maubos ang pagkain namin at naisipan kong tingnan ang mga kaklase kong busy rin sa maglunok ng spaghetti at egg pie. Pero may isang nilalalng talaga na umagaw sa atensyon ko at 'yun ay walang iba kundi si Karl. Pati ba naman pagnguya kailangan bang hot talaga?!

Nanggigigil talaga ako kay Karl. Jusko naman oh nasa retreat tayo bakit sineseduce niya ako ng hindi niya alam? Iniling ko ang aking ulo at inubos na ang natitirang pagkain sa plato ko. Malapit na rin magsimula ang session with father Karrell. Kailangan ko nang umakyat para magtoothbrush. Nauna sina Meg sa conference hall.

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang kwarto namin ay parang kinikilabutan ako at di ko alam bakit kaya nagmadali na ako ng lakad dahil ako nalang at ang naririto sa taas. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ay, "Ang bagal bagal mo talaga," nagsalita ang isang boses.

"AY PUCHA KA BAKIT KA BA NANGGUGULAT HA?" Mura ko kay Karl. Oo, si Karl na walang hiyang hinyupak na ewan.

"Hindi naman kita ginulat ah. Kanina pa kita tinatawag mula sa likod mo pero masyadong kang nagiimagine ng kung ano ano kaya di mo ko narinig," depensa naman niya.

"Oo na. Bakit ka ba nandito ha, alis na!" Taboy ko sa kanya at pumasok na ng kwarto para magsipilyo sa cr. Nakakahighblood talaga yung taong 'yun ha kahit gwapo.

After ko nagtoothbrush ay lumabas na ako ng banyo.

"PUCHAAAA! BAKIT KA BA MAHILIG MANGGULAT HA?!" Muntik na akong madulas buti nalang nahawakan ko ang door knob and dingding. Paano ba naman kasi pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Karl na nakaupo  sa kama habang hawak hawak ang kanyang cellphone.

"Why do you take so long brushing your teeth? Do have 30 pairs of teeth?" 

"Sino ba kasi ang nagsabi sayo na hintayin ako at aba ang brave soul mo naman at hindi mo sinurrender 'yang telepono mo!" Iniwan ko na siya at lumabas na ng kwarto. Bahala siya magsara ng pinto namin.

"You could have just said thank you." Pabulong niyang sabi but I know he wanted me to hear it.

Hinarap ko siya at nagkunwaring masaya, "HALA THANK YOU TALAGA HA. GRABE NATOUCH TALAGA AKO, AS IN." With matchign hugging myself na para bang natouch talaga.

Biglang nagseryoso ang kaniyang reaksyon pero bigla din iyong napalitan ng mapaglarong ngiti.

"Really? I touched you? Where exactly did I?" Biglang akong kinabahan sa sinabi niya pero putek hindi lang ata to basta kaba kundi kinilig ako sa sinabi niya. 

Aba nababaliw na ata ako bat ako kikiligin eh verbal abuse na ito ah!

Linakihan ko nalang siya ng mata at nauna ng bumaba papuntang conference hall. May gana pa siyang tumawa ha. Ang bipolar!

***

"God created man with love and care. He created us with those two important points that is why we are tasked to return these valuable gifts to the people around us. You are seniors who are hopefully graduating this march and soon you will enter a new chapter of your lives that may serve you with harder challenges. With that i would like to end my talk for today's session. See you tomorrow."

Ang galing talaga ni father Karrell magbigay ng wise words and advises. He showed us that there are millions of ways to solve a problem that we think is impossible to be solved. Wow. I can't wait to attend tomorrow's session with him again.

"Nakakagoosebumps talaga ang mga words ni father, beshie. Kailangan ko yon ma-i-tweet after 3 days natin dito." Ramdam nga talaga ni Meg ang wise words ni father kanina.

"Yeeeesss. Lunch time na! Can't wait kung ano ba ang ulam!" Masayang tumakbo si Evangel papunta dining hall. DI naman masyadong halata na excited siya.


To Be Continued.....

***********************

Ngayon ko lang napanood yung my ex and whys kaya parang ginanahan akong magsulat ng update kahit hindi ako sure kung okay ba itong update na ito. Hahaha! Actually, plano ko basahin yug mga nakaraang update ko para alam ko kung ano ang isusulat next pero ang haba na pala tinamad na akong basahin lahat kaya kung may mga scenarios or words or names na hindi man tugma, tell me nalang ho para macheck ko ulit. Thank you sa mga magbabasa nito! :)


All Rights Reserved 2018

kpop_princess


Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Where stories live. Discover now