Chappy 7

66 1 0
                                    

Chapter 7

"Today, we will not be having our lecture because-------" Hindi natapos ni Mr. Rabuya ang kaniyang sentence dahil sa hiyawan ng mga kaklase ko.


"Yehheeeeyyyyy!!! Uwian na! Uwian na!" Todong sigaw at chant ng mga kaklase ko with matching tapon ng mga notebooks and books nila. 'Yung iba nga ay nag-akyatan pa sa may bintana at nagasata parang unggoy. Mukha naman talaga silang unggoy kahit hindi umakyat ng bintana.


"Settle down! I'm not done yet! Keep quiet!" Nabubuga na ng apoy ang bibig, ilong at tenga ni Sir. Bigla na lang natahimik ang classroom at nagsiupuan na sila sa kanilang mga upuan.


"Ang lalaki kasi ng mga bibig niyo hindi muna nakikinig!" Turo ni Mr. Rabs sa mga kaklase ko. May pagkapalengkero kasi itong baklang teacher namin.


"Oh? Magsisimula na ba ako?" Tanong niya sa amin at tumango naman ang mga kaklase ko.


"Aso kayo? Aso?" Galit na tanong ni sir. Hahaha! Gusto ko matawa. "Sorry sir. Yes po pwede na po kayong magsimula." Pahinging paumanhin ng class president namin. Ayaw kasi ni sir na tatanguan lang siya dahil mga aso lang daw ang gumaganon. Gusto ko man tumawa pero pinigilan ko dahil baka sa akin pa mabunto ang galit ni sir.


"Okay. We will not be having our lecture today because I will be discussing tomorrow's event. Tomorrow will be your scheduled retreat in Tagaytay." Gusto na sanang sumigaw ulit ang mga kaklase ko pero nakikita kong pinipigilan nila dahil baka e cancel ni sir Rabs. Nakakatawa talaga 'tong mga kaklase ko. Mga abnormal.


"You will be there for 3 days and in those 3 days you will be reflecting all the things that happened in your life. And I advice you to not bring your gadgets. It's okay if you bring it, as long as if the sessions start you should surrender it to me. Don't worry, pwede niyo naman kunin ulit if tapos na ang session. Intendes?" Taas kilay niyang saad.


"Yes, sir." Chorus naming sagot. Muntikpa nga akong mapatango.


Dinismiss niya kami ng maaga para daw makapaghanda na kami ng mga dadalhin namin bukas. Last subject na rin namin 'to kaya pupunta na ako ng mall para makapagshopping ng mga damit na dadalhin ko at bibili na rin ako ng gift para kay Karl! Sosyal ko, noh? Mall agad. Wala tayong magagawa. Ganyan talaga ang mga feeling mayayaman.

***

Hindi ako makapagdecide kung saan dito ang bibilhin ko. Yung kulay blue ba or black? Large 'yung size na napili ko. "Ano nakapili ka na-------At bakit yan ang bibilhin mo?! Ibalik mo nga 'yan dyan!" Inabot ni Meg ang hawak ko ibinalik sa lalagyanan nito.


"Anong masama sa pinili ko?"


"Jess. Kailangan na ba kitang dalhin sa mental ospital? Eh, paano ako di magrereact kung brief 'yang bibilhin mo?"


"Ang OA mo naman. Ano bang problema mo sa brief? Okay naman 'to ah!" Sabay hablot ulit nung brief. Kawawa naman 'yung brief tinapon lang siya ni Meg pabalik ng lalagyanan niya.


Hindi na kumontra si Meg at bahala na daw ako dahil nahahighblood daw siya. Aba malay ko ba sa kaniya. Bakit ba siya nahighblood sa isang munting brief?


Nang makabili na kami ng mga gamit na kailangan namin ay umuwi na kami. Nakakapagod din magshopping. Wew! Sumakay lang kami ng taxi ni Meg dahil hindi ko na kakayanin kung magjijeep kami baka doon na talaga ako magpalipas ng gabi dahil traffic pa at antok na antok na ako.


Dinaan muna ako ng taxi sa bahay bago si Meg. Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko ang bahay na sobrang dumi! Ano ba ang pinaggagawa ni Karl at ganito kadumi ang bahay na parang dnaan ng malakas na hurricane? Okay. Medyo exaggerated lang naman.


"Karl! HOYYYYY!" Tawag ko sa kaniya. Ako naman kasi ang maglilinis nito, eh!


"KARL UNGGOY LUMABAS KA NA! MAGKAHARAPAN NA NGA TAYO!" While saying these words, I imagine myself wearing a wonder woman costume and my hands placed in my hips. This is my time to shine and be a super------ "HOY ka rin. Kanina pa ako dito pero lumilipad 'yang isip mo." Bulong niya sa tenga ko. Lumayo ako dahil nakikiliti ang tenga ko.


"Over ka ha! Kailangan pa ba bumulong? Hindi ba pwedeng mga 1 meter away? Dahil maririnig ko naman 'yun eh!" Walang akong pakialam kung crush ko siya ang point doon ay nararamdaman ko 'yung hangin mula sa bibig niya!


"Tss. Bakit ka ba sumisigaw diyan?" Kunot noong tanong ni Karl.


"Eh paano ako hindi sisigaw kung ang dumi dumi ng bahay parang dinaanan ng bagyo!"


"Anong bagyo ang pinagsasabi mo diyan? Hindi naman kasi bagyo ang sanhi nito."


"EH, ANO?" Nilakihan ko ng mata 'yung unggoy.


"Edi, LINDOL! HAHAHAHAHAHAH!" Tawang tawa ang loko sa joke niya kuno. I gave him a okay-na-ba-tatawa-na-ba-ako-look. Hindi ko magets 'tong isang 'to eh. Gwapo nga, oo pero sa tuwing magjojoke siya ng ganitong joke ay nagiging speechless ako eh 'yung tipong hindi ko alam kung tatawa ba ako o sisimangot.


Linapitan ko siya at hinawakan sa balikat. "Karl, bibigyan kita ng tip. Next time, kung magjojoke ka..............WAG KA NG MAGJOKE. Period." Tsaka ako umakyat na ng kwarto. Mas mabuti pang mag-ayos ng damit ko para bukas kaysa sa pakisamahan ko 'yung joke ni Karl, ni hindi ko nga kayang marinig eh sa sobrang corny.

________________________________________________

It's been a year since I updated this story. I'm really sorry to those people who are waiting for an update, if meron pa. Hahaha. But for me, okay lang kahit wala ng naghihintay dahil I write because I just wanted to share my imaginations to everyone. My story may not be as cool or beautiful like the other stories but I love what I write. So, enjoy reading! This is a very short update! Btw, there is a lot of typos. Not edited.

~kpop_princess~

All Rights Reserved

Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon