Chappy 1

1.8K 28 11
                                    

Chapter 1

Pasukan ba kamo? Ay sus! Chicken lang 'yan sa akin kahit tamad na tamad akong pumasok may baon naman! Wooooh! Kaya keri lang. Mas maganda pa nga yung may klase kaysa bakasyon dahil kapag may klase may baon at kapag bakasyon wala! Hindi naman ata makatarungan'yon!

As usual, tatayo ako sa kama ko tapos maghihinat tapos magjojollibee dance tapos papasok ng cr tapos titignan ko 'yung makalaglag panty na kagandahan ko tapos sisipilyohan ang ngipin ko na amoy tirhan ng daga tapos magwawash ng face dahil present si muta every morning tapos magshoshower kasi baka may cob web na nakalambitay tapos magtutuwalya para hindi makita ang oh-so-sexy body ko tapos lalabas ng cr alangan naman sa cr na ako habang buhay? Tapos magpapanty para matakpan si hair tapos susuotin ko na 'yung bra ko tapos kukunin 'yung uniform ko sa closet at isusuot tapos magsusuklay ng buhok para magmukha akong sunsilk model 'yung 'bang may hihila ng buhok ko pero hindi ko namalayan dahil sa sobrang smooth ng buhok ko. Tapos kukunin ko 'yung bag pack ko then bababa na ng hagdan.

Diba, nice? Ganyan ang ginagagwa ko araw-araw kaya memorize ko na. Pati tuloy kayo naabala ko na sa pagnanarrate kung ano ba ang ginagawa ko every morning. Kahit sobrang tamad na akong pumasok sa school ay napagtsatsagaan ko naman para kay baon. Mahal ko kaya talaga 'yun noh.

Tutal malapit na rin naman ang end ng school year. Isang quarter na lang at isa na akong certified college student! Wow! Ang bilis naman ng araw at dalagang dalaga na ang anak nina papa at mama. Naks naman. Teka, may mali ata sa sinabi ko kanina. Rewind ko lang ha---- "dalagang dalaga na ang anak nina papa at mama". Dalaga? Di nga!

Dahil sa sobrang chikadora ko sa inyo hindi ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng hapag kainan. Gising na pala si hubby. Like eww? Hubby? Seriously? Umupo na ako at kumuha ng toasted bread. Sarap! "Ui, ano 'yang binabasa mo?" Nakangiti 'kong tanong kay Karl. Eh paano ba naman kasi kahit sa harap ng hapag kainan ay nagbabasa pa rin. Bad kaya 'yun! Wala respect sa food.

"That's impolite. Wag kang mag hoy sa tao kung may pangalan sila," he looked at me for a second then ibinalik niya ulit ang atensyon niya sa binabasa niya. Tingnan mo 'to masyadong masungit. Umagang umaga nagpapatubo ng wrinkles. Hay. Buti na lang ako wrinkles free. I'm not saying na may wrinkles si karl ha! Gwapo kaya siya.

"Wala kaya akong sinabing hoy! Sabi ko ui. Magkaiba 'yun noh," tinaasan ko siya ng kilay tapos sumubo ulit ng toasted bread. Hindi niya na ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagbasa. Ano ba 'yang binabasa niya? Nakakacuroius naman si koya.

"Ano ba kasi 'yang binabasa mo?" I asked. Maganda ako eh.

"Our school's new released magazine." Sagot niya ng hindi ako nililingon. Bigla lumaki yung mga magaganda 'kong mga mata. "Our school's magazine?! Talaga?" Bigla akong na-excite dahil may bagong release nanaman. Ang pagkaalala ko kasi noong august pa yung last released. Hello! December na kaya ngayon! Ilang months na paghihintay din 'yun noh!

"Patingin nga!" Hinablot ko sa kanya yung binabasa niya with my happy doggy smile. WOW! Saludo talaga ako sa mga estudyante na nagbigay ng efforts nila para mabuo 'to. Ang ganda kasi talaga ng pagkagawa ng school's magazine namin eh 'yung para 'bang isang vogue magazine? Yung ganoon! Maganda yung pagkaphotograph sa mga models which is mga estudyante din sa school namin. How I wish maging isang model din ako. Bwahahhaha-----

"Tss. Bastos." Bigla na lang nawala ang doggy smile ko at napatingin sa kaniya. Tumayo na siya para kunin yung bag niya sa may sala. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalabas na siya ng bahay. Bastos? Ako? Wtf? Hindi ko naman siya hinipo ah!

***

"Hoy. Bakit ka ba nakasimangot ha?" Tanong sa akin ni bessy.

"Sino ba kasi ang matutuwa na sabihan ka ng bastos? Aba'y hindi ko naman siya hinipo at mas lalong hindi ko siya ni rape!" Naging histerical ang pagsagot ko sa tanong ni Megan. Hindi ko lubos na maisip na bastos na pala ako? Alam 'kong medj OA na ako pero-----

"Hahahahahaha! Sinabihan ka ng bastos nino? Hahahaha!" Tawa ng tawa si Meg habang tinatanong ako. Pwedeng tanungin muna ako bago tumawa? Haist. Ganyan ang mga tao ngayon eh. Tatawa habang nagsasalita. 'Yung totoo? May sayad lang teh?

"Basta. Isara mo na 'yang mabaho 'mong bibig kung ayaw mo ma-late tayo sa first class natin," sabi ko at nagsimula ng maglakad papasok ng room. Bad trip. Walang hiya talaga 'tong si Meg, pagtatawanan pa ako. Umupo na ako at naghintay sa math teacher namin. Umugang-umaga, math agad ang bubungad sayo. Kumusta naman?

Sabi kasi sa research na maganda daw kapag math ang first subject dahil gumagana daw ang utak ng mga estudyante para sa buong araw. Anong gumagana ka diyan?! Umagang-umaga nag-sta-stack up na ang utak ko!

Mabilis naman ang daloy ng class namin at hindi ko na namalayan na lunch time na pala. Madami na naman akong proproblemahin mamaya dahil ang daming assignments at requirements ang binigay sa amin kanina. Pero ngayon magrerelax muna ako dahil it's food time.

Pagkapasok palang naming sa caf ay puno na ng mga estudyante. Ano ba 'yan paano kami makakakain ng matino dito? Eh kasi naman yung ibang estudyante ay hindi naman kumakain. Imbes na lagyan ng pagkain ang mga tiyan nila ay nag-gigitara, nagmemake-up, kumakanta at basta.

Hindi na ako nagpastress sa mga buhay ng mga unggoy 'kong school mates at pumila na lang para mag-order ng pagkain. Nakahanap na siguro ng upuan si bessy at isasabay ko na lang siya sa pag-order ko. Nang matapos na ako makabili ay nilibot ko ang tingin ko sa buong caf. Nasa may gitnang parte ng caf si Meg nakaupo. Salamat naman at nakahanap ng matinong lugar.

Ibinaba ko na 'yung inorder ko at umupo na rin. "Dami naman ng inorder mo bessy. Thanks ha!" Nakangiting inabot ni Meg ang chicken burger na binili ko para sa kaniya. "Bayaran mo yan dahil hindi yan libre, noh. Butas na nga yung wallet ko dahil sa pang-araw-araw na pamasahe papunta dito sa school tapos libre? No way!" Hindi ko ba alam kung bakit hindi ako kinuhaan ng driver ng parents ko, naghihirap tuloy ako mag-commute araw-araw.

"May pinaghuhugutan lang, teh? Boom hugot ah!" Sambit ni Meg na may ngiting aso. Natawa na lang ako sa kaniya. Luka-luka din 'tong babaeng 'to.

Sarap na sarap kami sa pagkain namin ni Meg ng may nagsalita sa may kanan namin. "Pwede 'bang makishare ng table? Wala na kasing ibang table eh," tanong ng isang lalake. Napalingon naman kami ni Meg and wow. Bakit sila pa ang makikishare? Shet. Ganun na ba kahirap ang school namin para hindi magparenovate ng caf?

"Sure!" Masiglang sagot ni Meg. Masasabunutan ko talaga 'tong babaeng 'to mamaya. Paano ba naman hindi pumayag 'yang si Meg? Eh, crush niya si Edward na bestfriend ni Karl. So, it only means na makikishare din sa amin si Karl. UGH!

"Thanks, babe." Aba'y gago 'tong Edward na 'to! Kinindatan ba naman si Meg kaya si gaga ay parang matatanggal na 'yung mata sa kilig. I sighed and made a face. Umupo na sina Karl and Edward. Bale kaharap ko si Karl at katabi ko naman si Edward na kaharap ni Meg. Gets? Kung hindi ma-gets ay wag ng e gets. Okay? Okay.

Ewan ko ba bakit bad mood ako ngayon. Actually masayahin ako eh pero dahil siguro na nasabihan ako ng bastos nung kaharap ko ay na BV tuloy ako! Teka nga! Guilty ba ako? I changed my mind. Dapat back to myself na ako at iwan ang BV na 'yan. Magkaka-wrinkles lang ako. Remember?

Tumingin ako sa kaharap ko at nakita ko na nakatingin din siya sa akin. Hindi lang basta tingin ha, may something sa tingin niya. Labdablabdab~~ Bakit kumakanta yung tibok ng puso ko? Meron palang ganon? Kapuso singer lang ang peg? Of course, bilang ako hay hindi ako magpapatalo sa tingin niya. Nagsukatan kami ng tingin. 'Yung bang parang may invisible na magic powers na parang thunder na basta ganon! I narrowed my eyes. Kala niya? Hmph! Hindi ako magpapatalo!

Pero bigla siyang nagsmirk at dahil dun ay napataas ang kilay ko.

"Pinagnanasaan mo ba ako, miss?" Malakas ang kanyang boses kaya napatigil at napasinghap ang mga tao sa caf. Nasa amin tuloy ang atensyon dahil nakaupo kami sa pinaka gitna ng caf. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina! Hindi maganda 'yung piniling place ni Meg! Putek ka talaga Karl!

___________________________________

Guys, as what I've said may babaguhin ako sa story na 'to. Sorry talaga, guys pero magulo kasi 'yung una. Kaya sana suportahan niyo pa rin 'tong story na 'to. TT Sorry for the errors! Comment naman diyan guys para ganahan ako sa next update! Alam 'kong boring 'tong update na 'to pero hintay hintay lang kasi nagsisimula pa lang! :)

VOTE-FAN-COMMENT

All Rights Reserved.

~KP~

Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon