Chappy 5

82 1 0
                                    

Chapter 5

Everything was fine until that happened. Pero okay naman na ako dahil alam ko na 'mang masaya na si papa kung nasaan man siya ngayon. All I can do is just pray for him and continue loving him. Charla~~ Magpakailanman lang ang peg, teh?

Medyo emotional ako. Hahaha. Monday nanaman! The very hell day of the week. Maaga akong nagising kaya nandito na ako sa school. Bilis diba? Di na nga ako nakapagsuot ng panty eh. Seryoso ako.

"Hoy, Jessica! May rumor ngayon sa school!" Biglang sulpot ni Meg.

Tiningnan ko lang siya saglit at ibinalik ko ang aking tingin sa ginagawa ko. Ano nga ba 'tong ginagawa ko? Doodling?

"Jess, naman oh! React react din pag may time!"

Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil busy nga ako nagdodoodle. "Wala akong oras para sa mga chis---"

"MAY GIRLFRIEND NA DAW SI KARL BEBS!" Bigla akong napatigil sa pagdodoodle, "ANO?!" Laglag panga 'kong tanong kay Meg. Tinaasan niya ako kilay at "Akala ko ba wala kang pakialam sa mga chismis?"

"Oo, wala! Di ba pwedeng nagreact lang?!" Naiinis ako! Naiinis ako dahil nangangaliwa sa akin si Karl at naiinis ako dahil nasira tuloy ang doodle ko! Bwiset!

"Oh? Bakit ka galit?"

"Hindi ako---" Sumusobra na 'tong mga taong 'to! Palagi na lang pinuputol ang sinasabi ko!

"Guys! May picture! Nakuhanan ng picture si Karl at ang girlfriend niya papasok ng isang bahay!" Biglang sulpot ng walang hiyang classmate ko. Ipinapamukha ba talaga ng mga tao sa akin na nangangaliwa talaga si Karl?

Nagtakbuhan na ang mga kaklase ko palabas ng classroom. Mga chismoso't chismosa. Inilibot ko ang tingin ko sa buong classroom. Putek! Ako na lang ang naririto. Pati ba naman si Meg?

Gusto ko rin makita yung picture! Ugh! Wala na akong nagawa. Dinala na ako ng mga paa ko palabas ng classroom, papunta sa bulletin board.

Ang daming mga chismosang peoplets. "Excuse. Excuse lang po. Excuse!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang picture. Pucha! Kami 'to ni Karl! Shit! Bakit hindi ko naisip na ako pala yung 'girlfriend' kuno ni Karl.

Nagulat ako ng may tumanggal sa mga pictures. Nilingon ko siya at hindi lang basta siya. Kundi si Karl! "Fuck." He silently cussed.

Aba aba naman. May pa f^ck f^ck ng nalalaman. I can see that he's really mad right now. Sino ba kasi 'tong nagpost ng mga pictures na ito?

***

"Never in my life na naisip ko na may girlfriend si Karl bebs!" Tingnan mo nga 'tong isang 'to. "Hindi maka move on? Move on move on din pag may time." Sabay subo ng salad ko.

"OA naman nito. Hmph!" Itinuloy na lang niya ang pagkain niya.

"Akala ko ba kay Edward ka? Bakit may pa-bebs-bebs ka pang tawag kay Karl?" Oo na! Ako na ang nagseselos! Crush ko nga kasi si Karl.

"Bes naman. Si Edward ang puso ko at si Karl ang aortic valve ng puso ko." Seryosong saad ni Meg.

Tiningnan ko siya ng maigi. Sersoyo ba siya? Mukhang seryoso nga siya. Shit. May gusto din siya kay Karl-- "Hahahahahahahaha! Gotcha! Gusto mo si Karl, noh?"

"Hoy. Ikaw babae ka tigil tigilan mo nga ako diyan. Hindi nakakatuwa 'yang sinasabi mo."

"Hmph! If I know baka nga mahal mo na siya. Pero aww. Kawawa ka naman kasi may girlfriend na 'yung tao." Inaaway talaga ako nitong babaeng 'to.

"Like I care?" Ako naman yung babae na nasa picture. Gusto ko sana e dagdag. But nah. I need to keep this as a secret until makapagtapos kami ng pag-aaral ni Karl.

"And to think. May kasamang babae si Edward. Aww! Kawawa ka naman." I fired back. Hahahahaha!

"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan?" Naguguluhang tanong ni Meg.

Ngumuso ako papunta sa direksyon ng isang sweet couple na papasok sa cafeteria. Nilingon naman ni Meg at bigla na lang niya nahulog ang tinidor niya. Gusto ko pa sana siyang pagtawanan at kulitin nang pagharap niya sa akin ay may luha ng nagbabadyang tumulo sa kaniyang mata.

Bigla namang nawala ang ngiti sa aking mukha. "Bes, okay ka lang? Ui, joke lang naman 'yung sinabi ko sayo eh." Lumapit ako sa kaniya at hinagod ang likod niya.

"Ano ba yan. Nag-mmk nanaman ako." Tapos pinahid niya na ang kaniyang luha. "Wala 'to bes. Sadyang emotional lang talaga ako kasi sobrang anghang ng kinakain ko."

Tiningnan ko siya na parang baliw na siya. "Anong anghang ka diyan? Eh, leche flan nga 'yang kinakain mo." Magpapalusot pa eh wala namang konek.

"Basta! Maanghang 'yung leche flan ng caf! Halika na nga! Nakakaimbyerna dito. Tumango na lang ako at kinuha na 'yung bag ko.

Ano kaya ang meron kay Edward at kay Meg? Hmmm....

Natapos na ang araw at boring pa rin ang life ko. Hay. Makauwi na lang. Nang makarating ako sa bahay ay mga 6:25 na. Ang haba kasi ng pila sa sakayan ng jeep. Sino pa ba ang aasahan ko kundi ang mga paa ko lang.

Pagpasok ko ng gate ay parang may naririnig akong nabasag. Don't tell me pusa nanaman? Tumakbo na ako papasok ng bahay at pagpihit ko ng door knob ay parang amoy......alak?

Naabutan ko si Karl na umiinom sa may sala. Bakit umiinom 'to? Tutungga pa sana siya ng hinablot ko yung brandy sa kamay niya. "Hoy! Ibalik mo nga sa akin 'yan!" Hindi ko siya pinansin at niligpit na ang pinagkalatan niya. Pagagalitan talaga 'tong si Karl kapag nalaman ng mama niya na uminom siya ng alak.

"Hoy! Di mo ba ako naririnig? Akin na sabi eh!" Bigla niyang hinablot ang brandy na nasa kamay ko pero hinigpitan ko ang hawak. "Sige! Isusumbong kita kay tita!" Pananakot ko sa kaniya.

"Wala akong pakialam. Magsumbong ka!" Sigaw niya sa akin at hinablot niya pa rin sa kamay ko. Isa ito sa mga ayaw 'kong side ni Karl eh yung naninigaw.

"Ano 'bang problema mo ha? Bakit ka nagkakaganyan? Dahil ba 'to sa pictures kanina?" Lakas loob 'kong tanong sa kaniya.

"Oo! Dahil 'to sa p^tang in#ng pictures! Nang dahil sa pictures na 'yun ay hiniwalayan ako ni Angela!" Napakunot ang noo ko. Angela? Sino 'yun? Parang gusto 'kong bumagsak sa kinatayuan ko.

Bago pa man tumulo ang luha ko ay tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko. Masakit.

Mahal ko na nga yata si Karl.

__________________________

Pasensya na kung ngayon lang ang update kasi sobrang busy. Comment kayo kahit ang panget ng update. Please continue to support this story kung may nagbabasa pa ba nito. Haha!

~KP~

VOTE-COMMENT-FAN

All Rights Reserved.

Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon