Chappy 8

19 0 0
                                    

Chapter 8

"Matagal ka pa ba? Mauuna na ako." Sigaw ng nilalang na nasa ibaba. Halatang maririnig mo 'yung inip niya habang nagsasalita.

Hindi kasi makahintay, nagmamadali tuloy akong magrubber shoes. Simple lang naman kasi ang suot ko pero dahil sa kagandahan ko ay nagiging elegant akong tingnan. Oo, maganda ako, wag nang magreact. Blue green top, white with blue floral shorts at white converse shoes ang suot ko. And I just paired it with sunnies and summer hat. 

"Teka lang! Pababa na ako!" Nagmamadaling sigaw ko at kinuha na 'yung maleta ko. 

Nang makarating ako sa baba ng hagdan ay tiningnan ko ang magaling kong asawa (e career natin 'to mga bes!).

Gusto kong matawa dahil inip na inip na nga talaga siya sa kakahintay sa akin. Eh, sa nagpapaganda pa ako eh!

"OA mo naman. Miss mo na agad ako?" Sabay lagay ng kamay ko sa kamay niya. Ang gwapo talaga ni Karl kahit kailan, eh, isang white polo shirt at khaki shorts lang naman ang gamit niya.

*Playing: Paraparaan by Nadine Lustre*

"Tss." Tinanggal niya ang kamay niya sa kamay ko at kinuha na ang maletang dala ko. Napasimangot tuloy ako. Arte arte. Magkukunwari na ayaw akong makaholding hands pero alam ko naman na gustong gusto naman niya. HMPH!

Bago pa man siya makalabas ng bahay ay inunahan ko na siya. Sumakay na ako sa kotse niya at hinintay siya makapasok.

Nang makapasok na siya ay pinaandar na niya ang kotse at pinaharurot ito. Wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa school. Dito kasi 'yung meeting place namin.

Pagdating namin ay kami na lang pala 'yung hinihintay.

"Yan kasi ang bagal bagal." Pagpaparinig ng iba diyan.

"Wow ha. Magpaparinig ka na lang nga 'yung maririnig ko pa. Hmph." Malamang noh, nagpaparinig nga para marinig ko, ay bahala siya dyan. Nauna na akong pumasok sa bus at napaupo sa tabi ni Meg. Gusto ko pa sanang tumabi kay Karl kaso hinila ako nitong si bessy. Sayang! 

"Bakit ang tagal niyo? Kayo ha! Siguro may ginawa kayong kababalaghan." Tukso sa akin nitong walang hiya kong kaibigan.

"Gaga. Anong tingin mo sa akin? Kaladkarin?"

"OA naman nito. Kaladkarin agad? Hindi naman masama kung gagawin niyo 'yun bessy eh! Mag-asawa na kayo!" Parang may pinaglalaban talaga 'tong bestfriend ko. 

"Alam mo ikaw Meg ha, tigil tigilan mo ako. Siguro nasobrahan ka sa kakabasa ng spg story sa wattpad! And to think na nag-aaral pa kami, bessy! Hindi basta basta ang magbuntis at higit sa lahat hindi ako marunong mag you know!" Matigas kong bulong kay Meg.

"Pwede namang withdrawal o gumamit ng condom, eh." Inosenteng sabi niya. Or should I say kunwaring inosente. Walang hiya talaga! Nagbibigay pa ng tip.

"Tama na nga! Ayaw ko ng marinig 'yang mga condom condom na 'yan. Nakakstress ka Meg ha! Baka may makarinig sayo at sabihing ang manyak manyak natin."

Tumahimik na kami dahil talagang magkakaroon ng malaking gulo kapag may makarinig sa amin. Aalis na rin ata ang bus dahil sumakay na sa bus sina Sir Rabs at Maam Ong.

Sinilip ko 'yung mga kaklase kong nakaupo sa harap, nandito kasi kami sa pinakalikod, at naku naman, may kalandian si Karl! Sinamaan ko ng tingin si Karl at 'yung hipon. Sana makuryente kayo sa tingin ko. 

Hindi naman masyadong pinapansin ni Karl 'yung hipon pero kung makangiti wagas! Hindi na nahiya ang presidente namin! OO! Siya 'yung hipon.

Instead of being a role model ay sinisira niya ang image niya! Kainis. At dahil sa inis ko ay sinaksak ko sila ng kutsilyo sa leeg, oo may dala akong kutsilyo.... Joke lang. Dahil sa inis ko ay sinaksak ko na ang earphones sa tenga ko at nakinig na lang ng music.

*Playing: Ohh Ahh by Twice*

Ito 'yung recent song na paborito ko. And guys hindi yan kamanyakan, 'yan talaga ang title ng song nila. Kung ayaw niyo maniwala ay e search niyo. Sobrang ganda nga nung mv nila eh. May mga zombies, zombies na pwedeng gamitin para kainin ang mga babaeng lumalandi kay Karl.

****

Hinawakan  ni Karl 'yung pisnge ko at tinitigan ako ng matagal. Ang sarap talaga tingnan ng lalakeng 'to, sobrang gwapo.

"Mahal na mahal kita kahit hindi mo alam," seryosong sambit ni Karl.

Pero teka may mali eh.

"HOY, bes! Gising na! Nandito na tayo sa tagaytay!"

Napadilat ako ng mata habang hawak hawak ang dibdib ko. "Langya naman oh!"

Nagpeace siya at bumaba na. Takte ka. Nandon na 'yon eh! Gusto ko siyang sakalin kaya lang nakababa na siya. Asar!

Bumaba na ako ng bus dahil ako lang naman ang naiwan doon. HIndi man lang ako ginising ni Karl, nakakahurt ha. Charot. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko kung gaano kaganda itong resort na napuntahan namin. 

Isa lang ang masasabi ko. This time is the time na ipapakita ko kay Karl kung gaano siya kaswerte na ako ang naging asawa niya. Get ready for me mah darling. *Grins*


To be continued.....

**********************************

Oh my God! It has been more than 2 years since nakapagupdate ako. Sobrang busy kasi ng life ko kaya hindi ko na napublished itong part na to. Actually nung 2016 ko pa itong chapter na ito nasulat. Bigla akong ginanahan magupdate kahapon kaso nagloko yung wattpad tapos nakalimutan ko na rin password ko. So, medyo  mahaba yung pinagdaanan ko bago napublish itong chapter na to. I checked that status of this story tapos may isang reader na nagbasa nito kahapon kaya napaiyak ang aking puso sa saya. Napagpasyahaan ko na dapat talaga akong magupdate na. Hahahaha. Kahit isa lang ang magbabasa nito ang saya saya ko na kahit higit isang taon na ako hindi nakapagupdate. Babasahin ko ulit itong story na to dahil nakalimutan ko na kung ano ba ang pinaggagawa ng characters dito, pati nga pangalan ng cast di ko na masyadong maalala. HAHAHA


All Rights Reserved 2018

kpop_princess

Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Where stories live. Discover now