CS #1: I LOVE YOU

10 3 1
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nakarating na silang apat sa bahay ni Chim. Kaagad naman silang lumabas at si Fern ang huling bumaba sa kotse. Pumasok silang apat sa bahay ni Chim. Oo, mismong bahay ni Chim. Her parents are both successful business owners, and they want their only daughter to be independent. But still, her mom decided to hire nannies so that she could not feel alone.

Pumasok sila sa bahay ni Chim at hindi maiwasan ni Fern na mamangha. This is the first time kasi na nakapunta siya sa mismong bahay ng matalik na kaibigan niya.

"Feel at home, guys." nakangiting sabi ni Chim.

"Tayong apat lang ba?" nagtatakang tanong ni Fern.

"Pupunta rin ang mga parents ko but mamaya pa siguro kasi may business meeting pa silang pinuntahan." ani ni Chim. "Do you guys wanna drink or something?"

"Wow, himala at nag-imbita kang uminom." saad ni Fern. Hindi niya kasi alam na umiinom si Chim.

"Oo naman, umiinom lang ako kapag may mga special occasions."

"Yeah, whatever." Fern jokingly rolled her eyes as she sat on the sofa.

"Doon nalang tayo sa rooftop may mini bar ako doon." Chim said.

Nagtungo nga silang apat sa rooftop at hindi naiwasan ni Fern ang mamangha. May mini bar nga doon tapos may maliit pa na pool.

Nagtungo silang apat sa table kung saan may mga nakapwesto na upuan. "Gelbert, you can choose kung anong drinks ang iinumin natin."

Tumango naman si Gelbert at pumasok sa mini bar para mamili kung anong iinumin nila. Sa kabilang banda, naiwan naman sina Reinz at Fern sa labas saka nakaupo sa table doon.

"Iinom ka ba?" Reinz asked.

Fern took a glance at him and nodded. "May okasyon naman kaya ayos lang din." malumanay na sabi ni Fern saka tumingin nalang sa pool.

"Ayos lang ba kung iinom rin ako?" he asked. She was stunned for a second.

First of all, why would he ask for her permission if he could drink? When in fact, wala na sila. Siguro naman sa utak ni Fern ay wala na siyang karapatan na bawalan si Reinz kung iinom siya. Ang kapal siguro ng mukha niya kung ganun. Pero sa kabilang banda, hindi niya maintindihan kung bakit ganito pa rin ang trato ni Reinz sa kanya. Sa laki ng kasalanan na nagawa niya sa relasyon nila dati, bakit sobrang totoo pa rin ang ipinapakita ni Reinz sa dalaga?

"If you want to, why not?" sagot ng dalaga.

Ngumiti ng kaunti si Reinz at sakto namang lumabas na rin ang dalawa sa mini bar. Inilapag pa ni Gelbert ang wine na napili nila.

"Uutusan ko lang si Manang Abie para akyatan tayo ng barbeque." saad ni Fern saka bumaba.

Naiwan naman silang tatlo sa pwesto doon. Nakatingin man si Fern sa pool hindi naman niya naiwasang makaramdam ng ilang sa dalawang lalaki na kasama niya. Ilang buwan na niya kasing hindi kinakausap ang dalawa.

"Fern..." napalunok si Fern nung tawagin ni Gelbert ang pangalan niya. Nilingon niya naman kaagad ang binata na katabi ng ex niya. "Congrats pala."

'Akala ko kung ano...' bigkas sa isip ni Fern.

"T-thanks. Congrats din." sagot niya.

"Saan mo balak mag ka-college?" kunwari ay tanong pa ni Gelbert. Pero sa utak niya, paraan niya lang iyon para malaman ni Reinz kung saan mag-aaral sa kolehiyo ang dalaga.

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now