CS #1: BREAK THE ICE

24 3 0
                                    

2013-2014

Buong summer vacation ay puro lang naman naging gala ang nangyari sa amin. Bakit? Kasi halos araw-araw ko nalang siyang nakikita at nakakasama. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay may gusto na ako sa kanya. Nandoon na rin 'yung pagiging komportable ko sa presensiya niya pero hindi naman ibig sabihin nun may something na.

After kasi naming nag-usap nung gabing 'yon, nahuli kami ni Ate Judy na nagyayakapan kaya ending nalaman niya na may 'something' na pala. Akala ko nga tutol siya sa aming dalawa ni Reinz pero hindi naman pala at sinabi niya pa sa akin na mas gusto niya ako na maging girlfriend ni Reinz kaysa kay Quennie. Hindi daw kasi sila nagkakasundo lalo na at may attitude daw si Quennie.

Pero syempre dahil masyado pa namang maaga para sa amin ang bagay na iyon, sinabi ko kay Ate Judy na huwag muna niyang ipaalam kay kuya kasi baka magalit sa akin at isusumbong pa ako sa mga magulang ko. Pumayag naman siya.

Hindi ko pa rin kasi maitatanggi sa akin na pinipigilan ko pa rin ang sarili ko dahil masyado pang maaga para sa amin ang lahat. Isa pa, nangako naman siya sa akin na hihintayin niya ako kahit gaano pa katagal. Maganda iyon diba? Hihintayin niya ang panahon kung kailan handa na ako.

Nasa bahay namin si Ate Judy ngayon, may sakit kasi si Kuya kaya andito siya para alagaan ang kapatid ko.

Nung lumabas si Ate Judy sa kwarto ni kuya. Nagkasalubong ko siya since magkatabi lang ang kwarto namin. "Oh, Fern." Nakangiting salubong niya sa akin.

"Kamusta naman si kuya?"

"Kumain na siya ng sopas na dala ko. Kumain na rin ba kayo?"

"Tapos na." ngumiti ako pero bigla akong may naalala. "Nga pala ate, alam mo ba kung saan nakatira si Reinz?"

"Oo naman, nasubaybayan ko rin sa paglaki ang batang 'yon." nakangiting aniya. "Kayo ah, hindi pa rin ako makapaniwala na may something sa inyo." Panunukso niya pa.

"Ah, hehe..." Binigyan ko siya ng pekeng tawa kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Alam ko naman na may something na sa amin since nanliligaw na si Reinz sa akin pero kasi hinihintay ko pa rin na magbago 'yung feelings ko.

"Naalala ko, may binanggit siyang babae sa amin... That was two years ago. Nacu-cutetan daw siya sa babaeng kaklase niya. Palagi nga daw niyang inaasar 'yung girl kasi iyon lang daw ang way niya para magpapansin." natigilan ako sa sinabi niya. Napansin ko rin ang kakaibang ngiti ni Ate Judy pero hindi ko siya sinagot. Hindi ko nalaman kung ano ang pangalan niya kasi hindi naman binanggit ni Reinz iyon sa amin. Pero sabi niya, kapag dadalhin niya 'yung girl sa amin sisiguraduhin niya na sila na sa mga panahon na iyon, sobrang sweet niya diba?

'Ako 'yon.'

Gusto kong ipaalam kay Ate Judy na ako ang babaeng tinutukoy ni Reinz pero hindi ko kayang ibuka ang bibig ko. May pumipigil sa akin kaya pinalipas ko nalang iyon.

“Uuwi na ako maya-maya. Sasabay ka ba sa akin?"

Napakamot pa ako sa ulo. "If pwede, ate."

"Oo naman basta ikaw." Nginitian ko siya. "Basta ang mapapayo ko lang sa'yo, Fern...." napatingin ako sa kanya. "Hinding-hindi ka magsisisi kay Reinz."

⏳⌛

Papunta na nga kami sa bahay ni Reinz. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit gusto niya akong pumunta sa bahay nila. Wala naman kasing espesyal na event sa araw na iyon o siguro meron? Idk.

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now