CS#1: BITE THE BULLET (3)

8 2 0
                                    

JULY 2016

After nang pag-uusap namin ni Kaizer. Umuwi na kaagad ako sa bahay nun.

Wednesday na pala ngayon. Dalawang araw nalang at first monthsarry na namin ni Reinz. Hindi ako masaya sa katotohanan na mag-iisang buwan na pala kaming magkarelasyon. Noong una naman ay naisip kong magiging worth it ang lahat kasi alam ko naman dati na may gusto ako kay Reinz pero simula nung makilala ko si Kaizer bigla nalang naglaho ang lahat. Bigla nalang nabaling sa kanya ang nararamdaman ko.

Simula kahapon hindi na ako nakatanggap ng tawag sa umaga mula kay Reinz. Hindi naman sa hinahanap ko 'yun pero nasanay na rin kasi ako. Sa kabilang banda, dapat naman niya akong tawagan kasi girlfriend niya ako. Dapat nagpapaka-boyfriend siya sa akin kasi sinanay na niya akong tinatawagan niya ako sa umaga tapos ngayon hindi na niya ginagawa. Like, ang kapal lang.

Tapos hindi lang 'yon, buong araw kong hindi nakita si Reinz nun. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kasi usually naman pinupuntahan niya ako sa classroom ko tuwing recess para hatiran ng snacks. Tapos sa lunch break, five minutes palang naghihintay na siya sa akin sa labas ng room kasi sabay kaming kakain.

Pero wala talaga.

Tinanong ko si Gelbert pero tanging kibit-balikat lang ang isinagot niya sa akin. Si Chim naman ay tinanong ko rin pero hindi niya naman alam kasi madalas na rin niyang nakakausap si Reinz.

“Fern, dalawang araw nalang at monthsarry niyo na. Anong balak mo?” tanong ni Chim.

Nasa library kaming dalawa ngayon dahil nag-aaral kami para sa quizzes.

Makikipag-break na ako sa kanya.”

Nakita kong nalungkot si Chim sa sinabi ko at napabuntong-hininga pa siya. “Sigurado ka na ba talaga, Fern? Kasi isa ako sa malulungkot kapag nagkahiwalay kayo sa totoo lang.”

Natawa ako saglit sa sinabi niya kahit naman ay walang nakakatawa. “Bakit naman?” nakangising tanong ko pa.

“Kasi nasubaybayan ko kung paano siyang tumingin sa'yo nung freshmen pa tayo, nasaksihan ko kung paano siyang mag adjust sa lahat ng mga ayaw mo, naramdaman ko ang lungkot niya nung tinaboy mo siya ng ilang beses. Sa madaling salita, totoo at bukal sa loob ang pagmamahal niya.”

“Duh, Chim? Bata pa kami, okay? Sixteen pa ako kaya hindi ako naniniwala sa pagmamahal na iyan.”

“Eh diba sabi mo naman may gusto ka kay Kaizer? Hindi ba't pagmamahal na rin naman ang nararamdaman mo sa kanya nun?” natigilan ako saglit.

“Oo pero iba kasi 'yung sa kanya eh.”

“Anong iba?”

“Sa kanya ko kasi naramdaman 'yung crush ba?” nakangiting sabi ko pa. “Na imbis kay Reinz ko maramdaman pero naging madali kasing nabaling kay Kaizer ang nararamdaman ko.”

“Seryoso ba talaga 'yang Kaizer sa'yo?”

“Oo, pinakilala na nga niya ako sa Mommy niya.”

She rolled her eyes. “Girl, hindi pa kayo ni Reinz pero kilala ka ng mommy niya.”

“Hindi pa naman kami ni Kaizer.”

“So, may balak kang sagutin siya?”

“Oo naman, kaya nga ako nakikipaghiwalay kay Reinz para hindi masabing niloloko ko siya.”

“Girl, in-entertain mo na si Kaizer habang kayo pa ni Reinz. Hindi ka pa niya nililigawan o ano pero the fact na you entertained that guy, niloloko mo pa rin si Reinz Kahit na bali-baliktarin mo man ang mundo, niloloko mo si Reinz.”

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now