CS#1: BITE THE BULLET (1)

12 3 3
                                    

This idiom has two related but slightly different uses. When there is something you don’t want to do but must, you may find you have to bite the bullet and force yourself to do it. Similarly, you bite the bullet when you bravely endure a bad situation.

🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

“Love, good morning.” bati ni Reinz sa akin nung sagutin ko ang tawag niya.

Simula nung naging kami, palagi na niya akong tinatawagan para ipaalam na papasok ako sa school at ganoon din siya. Minsan naiinis ako kasi tumatawag siya sa mga pagkakataon na ayaw ko siyang kausapin dahil nandito ang mga kapatid ko o minsan ay bad timing siya kasi nag-uusap kami ni Mama. Kaya nga mas marami pa siyang mga tawag na hindi ko nasasagot kaysa naman sa nasagot ko.

Hmm, morning.” walang ganang sagot ko pa habang abala na plantasiyahin ang uniporme ko.

Papasok ka ngayon?” mararamdaman ko talaga sa boses niya ang kasiyahan pero hindi ako masaya.

“Pangit naman kung a-absent ako.” pilosopo na sagot ko. “Alam mo naman kung gaano ako kasipag na mag-aral diba?”

“Love, instrams ngayon.” natigilan pa saglit ako dahil tama siya. Napatigil tuloy ako sa pag pa-plantsa ng uniporme ko kasi nakalimutan kong intrams pa pala ngayon. “Sabado ngayon, love. May laro ako, manonood ka?” Napapikit ako. Naiirita ako sa boses niya. Malambing naman at malumanay ang boses niya pero nakakairita! Pakiramdam ko ang sakit-sakit sa tenga ng boses niya.

“Yeah.”

Limang segundo ata ang lumipas na naging tahimik ang kabilang linya. Napatingin pa ako kung na end ba 'yung call pero hindi naman.

“May problema ba, love?” Tanong ni Reinz sa akin.

Inilayo ko ang phone ko at napabuntong-hininga. Nakakairita naman ang boses neto. Bwesit!

“Wala. Sige na, may gagawin pa ako.” masungit na saad ko.

“I love y--” hindi na natapos ni Reinz ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang tawag.

Nagbihis na kaagad ako saka ilang saglit pa ay bumabyahe na ako papunta sa school. Nasa parking lot palang ang school bus na sinasakyan ko pero naririnig ko na ang hiyawan ng mga estudyante sa loob.

Bumaba na ako sa bus saka pumasok sa loob. Dahil lahat ng mga estudyante ay nasa gym ngayon dahil nga 'yung basketball ang pinakahinihintay nila. Dumiretso ako sa classroom namin para ilagay ang mga gamit ko pero pag-akyat ko pa lang sa hagdan ay nakasalubong ko si Kaizer. He smiled at me. Doon ko lang napansin na kasama niya ang dalawang mga kaibigan niyang lalaki.

Nginitian ko siya pabalik.

“Hey, Fern.” bati niya pa. Kinilig naman ako.

“Hi.” nakangiting bati ko rin.

“Ang cute mo ngayon.” saad niya pa.

‘Bakit hindi ba ako cute kahapon?’

“Thank you.” nakangiting bati ko pa.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Sa classroom lang, ilalagay ko pa sana kasi 'tong mga gamit ko.”

“Gusto mo samahan na kita?” nakangiting aniya.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa tinanong niya sa akin. Akma na sana akong sasagot pero may boses na sumingit sa amin.

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now