CS#1: BITE THE BULLET (2)

6 3 0
                                    

2015-2016

Nakarating kami sa tambayan na sinasabi ni Kaizer. May mga mangilan-ngilang estudyante na naroroon, yung iba sa kanila ay mga schoolmates ko at may iba rin na hindi ko naman kakilala dahil ibang school sila.

“Pre!” nakangiting salubong nung isang lalaki na mukhang kaibigan ni Kaizer. Napatingin pa siya sa akin at nginitian ako. “Jowa mo?”

Tinignan ako ni Kaizer at nginitian. “Kung sasagutin niya ako, oo.” natigilan pa ako sa sinabi niya.

‘Nanliligaw na siya sa akin?’

Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko naman naalalang nanliligaw pala siya sa akin.

“Bryan nga pala.” pagpapakilala niya pa sa akin at inilahad ang kamay niya na tinanggap ko naman kaagad.

“Fern.”

“Fern? Yung---” napatingin siya kay Kaizer at binigyan lang siya ng kakaibang tingin na hindi ko naman maintindihan kung ano. “Nice to meet you.” baling niya ulit sa akin at nginitian pa ako pero halatang pilit naman.

“You, too.” simpleng sagot ko pa tsaka inakbayan ako ni Kaizer dahilan para tumambol na naman ang puso ko.

Grabe, 'yung mga unexpected na ginagawa niya sa akin ay nagbibigay ng kakaibang kiliti sa puso ko. Ni hindi ko kailanman naramdaman 'to dati kay Reinz.

“Gusto mong matutong mag bilyar diba?” aniya at tumango naman ako. “Tara tuturuan kita.”

Iyon na nga ang ginawa namin. Magdamag niya akong tinuruan kung paano mag bilyar. Naging mahirap sa akin dahil sa totoo lang ay hindi ako mahilig sa ganitong bagay. Ayaw ko ngang matuto pero hindi ko alam kung bakit nasabi ko kanina na gusto kong matuto.

Nakakapagod. Iyon nalang ang nasabi ko matapos niya akong turuan sa bilyar. Nakaupo ako sa upuan doon at kinuha ang tubig sa bag ko saka ininom iyon. Napansin ko naman si Kaizer na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya habang naninigarilyo pa sila.

‘Akala ko ba ayaw mo sa lalaking may bisyo?’

Napailing nalang ako at naisip na baka magbabago pa si Kaizer kapag naging kami.

Makipaghiwalay ka man o hindi, masasaktan at masasaktan mo siya dahil may ibang tao ng involve, Fern.’ bigla na lamang sumagi sa utak ko ang sinabi ni Chim sa akin kahapon.

Napabuntong-hininga ako kasi ngayon ko nga pala planong makipaghiwalay kay Reinz. May parte sa puso ko na sang-ayon sa sinabi niya dahil masasaktan at masasaktan ko pa rin si Reinz dahil mas numanaig ang nararamdaman ko kay Kaizer.

Tumabi si Kaizer sa akin pagkatapos siyang makipag-usap sa mga kaibigan niya. “Nagugutom na ako.” aniya saka hinihimas pa ang tiyan niya. Napangiti naman ako kasi ang cute niyang tignan sa ginagawa niya. “Nagugutom ka na rin ba?”

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Oo, sobrang gutom na gutom na ako. Pero pinipigilan ko ang nararamdamang gutom dahil sa ginawang pag-eensayo.

“Medyo.” sagot ko.

“Tara punta tayo sa amin, nagluluto na si Mama panigurado.” kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit nun.

Nasa tapat lang pala ang bahay nila kaya hindi na kami nahirapan sa byahe. Pumasok kami sa loob ng bahay at nadatnan namin ang mommy niya na nagwawalis.

“Ma.” nilapitan niya ang ina at nagmano.

“Oh, Kai. Wala kang pasok?” saka siya napatingin sa akin. Nagkasalubong saglit ang mga kilay niya at tinignan ang anak niya.

"Love, Sorry." (Crestfallen Series#1) Where stories live. Discover now