Chapter 17

7 1 0
                                    

Abigail

Kamatayan.

Posibleng iyan ang sasalubong sa'kin sa oras na mahuli ako ng mga taong sinusundan ko. Alam kong delikado pero kailangan ko ring kumilos para matulungan si Yuri at daddy.

Katulad ni Yuri, may misyon din akong kailangang gawin sa loob ng paaralang ito. Iyan ang dahilan kung bakit ipinasok ako ni daddy dito kahit alam niyang delikado pero sigurado naman akong hindi niya ako pababayaan sa misyon ko.

Alam kong may nagbabantay sa'kin, sa amin. Oras na magkagulo ang lahat at magkabukuhan, may taong handang sumagip sa amin.

Mabilis akong tumakbo patungo sa isang malaking pillar na may nakasabit na malaking kandila ngunit sinigurado kong hindi makagawa ng ingay.

Kasalukuyan kong sinusundan ang dalawang taong hindi mo aakalaing makakagawa ng ganitong klase ng bagay. Ang mapabilang sa ilegal na ginagawa ng kanilang mga magulang.

Kahit na sino, hindi mag-iisip ng masama sa kanila dahil may mabuti silang reputasyon sa loob ng paaralan at mga disente rin kaya naman noong natuklasan kong kasali rin sila ay nagulat ako.

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanila habang tahimik na kinukunan ng mga litrato ang paligid. Malaki ang pakinabang ng mga ito sa susunod naming mga plano ni Yuri.

Hanggang sa makarating sila sa dulo ng tunnel ay nakasunod pa rin ako. Kinunan ko ulit ito ng litrato.

Nakatayo sina Gio at Troy ngayon sa tapat ng isang labasan. Palagay ko'y hanggang dito nalang ang madilim na tunnel na ito.

Nakikita ko na nag-uusap silang dalawa ngunit hindi ko marinig dahil medyo malayo ang distansya nila mula sa'kin. Hindi rin ako puwedeng lumabas mula sa pinagtataguan ko.

Kung bakit malaya akong nakasunod sa kanila ngayon at walang mga armadong lalaki? Hindi ko rin alam. Pinatos ko lang ang pagkakataong ito para makakuha pa ng dagdag na impormasyon dahil sigurado akong hindi lang hanggang dito ang mga ginagawa nila Gio. Alam kong may malalaman pa ako kaya hangga't may pagkakataon, hindi ko sasayangin.

Malapit na ang panahon para magbayad sila.

Ilang minuto rin silang nag-uusap at wala akong maintindihan. Hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na ingay mula sa labas ng tunnel.

Parang tunog ng helicopter.

Sumenyas si Gio na mauna si Troy sa pag-akyat sa hagdanan at sumunod kaagad siya. Dito pala sila dumadaan sa tuwing lalabas sila ng academy  nang walang nakakakita at naghihinala.

Ang tanong, saan naman sila pupunta? Ano ang gagawin nila?

Nanatili akong nakatago hanggang sa sandaling unti-unti nang lumalayo ang tunog ng helicopter. Iyon din ang naging hudyat ko para lumabas sa pinagtataguan at magtungo sa hagdanan.

Gusto kong malaman kung ano ang meron sa itaas nito.

Bawat hakbang na aking ginagawa paakyat ay nagdudulot ng matinding kaba sa dibdib ko. Maraming posibleng mangyari pero hindi ko ito susukuan. Kailangang may malaman ako.

Dahan-dahan kong inilabas ang ulo mula sa butas na nagsisilbing pinto mula sa itaas upang sumilip.

Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng lugar. Isa pala 'tong helipad. Sinadya siguro itong ipagawa ng kung sino man ang nasa likod nito para hindi sila mahirapang maglabas-masok sa paaralan.

Kung gano'n, mas lalong nanganganib ang buhay naming mga studyante.

Teka. Si Mrs. Wormwood ang may-ari ng academy. Ibig sabihin alam niya ang mga ito? Alam niya ang lahat.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now