Chapter 3

12 2 0
                                    


Kasalukuyan akong nagbibihis ngayon dahil pupunta ako sa office ng headmistress. Kahit tinatamad akong pumunta ay tinutulak ako ng aking kuryusidad sa anumang sasabihin ni Mrs. Wormwood.

Sinipat ko sa huling pagkakataon ang aking sarili sa salamin at nang makontento ay lumabas na ako sa kuwarto dala ang susi. Saktong pagbukas ko ng pinto ay may lumabas din sa kabila, katabi ng kuwarto ko.

Tumingin ito sa'kin at ngumisi kaya umirap ako.

Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko pero sira na. Tsk.

"Sungit." mahinang sabi ng lalaki ngunit hindi ito nakatakas sa'king pandinig.

"Manyak." bulong ko naman at sigurado akong narinig niya iyon dahil tumawa siya.

Baliw.

"Guwapo naman."

Humarap ako't tinaasan siya ng kilay.

"Saan banda? 'Di ko makita."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad patungo sa elevator. Pero talagang iniinis ako ng lalaking 'to dahil nakasunod sa'kin. Hindi ko siya pinansin at pinindot ang open button ng elevator. Pagpasok ko ay ganun din ang kaniyang ginawa.

Tahimik akong tumayo sa pinakagilid at naglagay ng airpods sa tainga. Kunwari hindi ko siya kasama sa loob ng masikip na elevator na 'to. Siya naman ay nasa kabilang banda habang nakapamulsa kaya nakikita ko pa rin siya sa gilid ng aking mga mata.

"It's Gio."

So that's his name. Tunog fuckboy.

Hindi ako umimik at hinayaan lang siya. Ine-enjoy ang pagkukunwari.

"Naririnig mo ba ako?" tanong niya ngunit hindi pa rin ako umiimik.

"Aren't you going to tell me your name too?" this time ay nakatingin na siya sa'kin.

"Am I obliged?" I asked with a straight face, still not facing him. "And besides, I didn't asked for your name."

"We're neighbors right?" siya ulit.

"No, we're not. I don't even know you. Neighbors are good to each other and sometimes they share the blessings they have, and we're not. We are completely far opposite from neighbors." I fired.

Naramdaman kong lumapit siya sakin kaya naalarma ako. Hindi pa man ako nakakagalaw ay lumapat na ang likod ko sa dingding ng elevator. Mabilis niya lang akong naikulong sa pagitan ng kaniyang mga braso.

"What do you think you're doing?"

"I'm sharing the space with you because we're neighbors." He said without minding the tiny gap between our faces.

Shonga ba 'to? O talagang tanga lang. Napairap ako sa kaniya.

"You are intruding my personal space here, mister."

"It's Gio." giit niya.

"Yeah whatever. And could you please move away your face from me? Naiinitan na'ko." Palingon-lingon ako sa paligid habang pinapaypayan ang sarili.

"The whole place is air-conditioned. Are you tensed?" He asked with excitement.

"Oo kasi pag malapit ka sa'kin para akong nasa impyerno! Kaya pwede ba lumayo ka sa'kin?" I glared at him.

Naaasar na talaga ako sa lalaking 'to kahapon pa. Hindi niya ba ako tatantanan? At saka bakit parang ang bagal yata ng elevator?

"I didn't know you are this harsh to people who just want to be friends with you."

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now