Chapter 6

11 2 0
                                    


Nakaharap ako ngayon sa laptop ko na nakapatong sa study table malapit sa glass wall. Tinatapos ko yung business plan na ipinagawa sa amin ni Prof. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hanging pumapasok sa loob ng kuwarto dahil sa nakabukas na sliding door. Napatingin ako sa labas.

The sky is starry tonight.

The simple view outside made me smiled. I miss mom and dad.

Kinuha ko ang cellphone ko katabi ng laptop at idi-nial ang number ni mama. Nag-ring lang ito at walang sumasagot kaya tinawagan ko ulit. Ilang beses pang nag-ring bago niya ito sinagot.

"H-hello, anak?" medyo garalgal ang boses ni mama.

"Mama, are you okay? Is there something wrong?"

"Yeah. I'm fine. I'm fine." narinig kong napasinghap si mama.

"Bakit po ganyan ang boses nyo?"

"A-ano... n-napagod lang ako anak. Galing kasi ako sa kitchen, n-nagluluto ng dinner namin ng papa mo."

I sighed. "Ma, huwag nyo pong pagurin ang sarili nyo. Hayaan nyo pong si manang Chona na ang magluto para sa inyo." malambing kong sabi kay mama.

"It's okay, anak. Don't worry about me and besides, alam mo namang gustong-gusto kong ipagluto ang papa mo. Kahit ikaw noong nandito ka pa."

Naiiyak ako sa sinabi ni mama. Gosh, I really miss my mom. I really miss them.

"Nami-miss ko na po kayo ni papa, 'ma." sinikap kong hindi kumawala ang luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. "Kumusta po kayo dyan?"

"We missed you too, baby. We're always fine. Don't worry about us. Mag-focus ka sa pag-aaral mo anak."

"Oo naman po, 'ma. Hindi pa po ba nakauwi si papa?"

"Hindi pa anak. Kanina ko pa hinihintay ang papa mo."

"Baka na-traffic lang po. Maya-maya nandyan na din 'yon." Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. "Ma, hindi na po ako magtatagal kasi may tinatapos pa po akong homework." paalam ko.

"Ganun ba anak. Sige, sige. Mag-iingat ka dyan."

"Kayo din po, ingat kayo palagi. Love you, ma."

"I love you too, anak."

Hayy. Nakakagaan talaga sa pakiramdam kapag narinig mo ang boses ng mga taong mahal mo. Nakakatanggal ng lungkot. Humarap akong muli sa laptop nang may ngiti sa labi.

-

Cromwell Residence

Matapos tumawag ng anak ni Celestina na si Yuri ay muling tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung paano nila sasabihin ng kaniyang asawang si Arthur sa kanilang anak na unti-unti na silang bumabagsak. It's like the sand that they carefully grasped in their hands are slowly fading away as time passes by with the wind. Ayaw nilang pag-alalahin ang anak dahil sinisigurado nila ang kaligayahan nito. Isang mabait na bata si Yuri kung kaya't iniingatan nila ito.

Kabilin-bilinan ng yumaong ama ng kanyang asawa na huwag nilang hahayaang makuha ng mga taong iyon ang kompanyang pinaglaanan niya ng luha at pawis upang maitayo. Dati'y muntik na rin itong bumagsak kasi nalugi at nais bilhin ng magkakapatid na matagal ng naghahangad na mapasakamay nila ang malaking kompanya upang mas lalo nilang mapalawak ang isang negosyong matagal nilang ikinukubli sa ilalim ng higanteng mga haligi.

Isang negosyong kinatutuwaan ng nakararami.

Iilan lang silang may alam... ngunit natatakot...

Mga walang alam lamang ang natutuwa.

Taimtim na nanalangin si Celestina na sana'y maging maayos ang lahat. Pinahid niya ang  luha sa kanyang pisngi at inayos ang itsura nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Malamang ay ang kanyang asawang si Arthur na 'yon. Kanina niya pa ito hinihintay.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now